CHAPTER 24

112 2 0
                                    

NAGULAT SI LEE KANYANG NAKITA. Papasok na sana siya pabalik sa loob ng bahay kanina nang magbago ang kanyang isip. Naisip niya na baka kay Gee ang anino na kanyang nakita at naisipan nitong magpahangin kaya ito napadpad sa imbakan ng mga orange sa farm ng mga ito. Kaya naman lakas-loob siyang pumunta sa lugar na iyon. Kasalukuyan siyang nakakubli sa isang drum na puno ng tubig kung saan hinuhugasan ang mga orange upang mawala nang alikabok na nakuha niyon sa hangin. Mabuti na lamang at natakpan niya ang kanyang bibig bago pa siya mapabulalas.

“Wae?” Narinig niyang tanong ni Gee sa nakayukong si Ji Na na ang ibig sabihin ay bakit.

“What’s the use of telling you now?” Tanong dito ng babae.

“You left me without giving me any reason. How hard would it be to just tell me what went wrong? What did I do wrong?” Pasigaw ng tanong dito ni Gee. Kitang-kita niya ang paglilitawan ng mga ugat sa leeg nito.

“I already told you that it’s not your fault.” Sabi dito ni Ji Na.

“Just tell me.” Pamimilit ni Gee sa babae.

“Does it matter? I can see that you are now happy with Lee! Why you're suddenly bringing this up now?” Walang emosyong tanong dito ni Ji Na.

“J…” Mahinang sabi dito ni Gee. “I can’t move on…” Nakita niya ang pagtulo ng luha sa mga mata ni Gee. Kasabay niyon ay ang pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata. “You’ve left me in a dark room. Then I realized that I can’t get out of that miserable room because it was surrounded by walls. You have the hammer that could break those fucking walls. So just tell me…”

“Would it help you move on if I tell you?” Tanong dito ng babae.

“I don’t know. I’ve been asking myself since the day you left me of what could it be. Maybe it will help, maybe it will not. But still, I want to know your reason.”

“Do you still love me?” Tanong dito ni Ji Na.

“I am the one asking you a question. You should be the one giving an answer. Why the hell you’re asking me now?”

“Is it hard to answer that now?” Narinig niyang bumuntong-hininga ang babae. “I will answer your question if you answer mine.”

“I don’t know…” Sagot dito ni Gee.

“You don’t know if it’s hard to answer or you don’t know if you still love me?” Tanong dito ni Ji Na.

“I don’t know if I still love you…” Mahinang sabi ni Gee. Saglit na natahimik ang dalawa.

“Have a date with me.” Maya-maya ay biglang sabi dito ni Gee. Gustong-gusto ng umalis ni Lee sa lugar na iyon ngunit nararamdaman niya na nanghihina ang kanyang mga tuhod. Hindi niya alam kung makakaalis siya sa lugar na iyon ng tahimik dahil baka bigla na lang siyang matumba.

“What are you saying right now?” May inis na sa boses ng babae.

Taming The DragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon