CHAPTER 15

134 4 0
                                    

KUNG MAHULOG KA KAYA DIYAN ELLA, mabubuhay ka pa kaya?” Narinig niyang tanong dito ni Lieann.

“Sige sis, itutulak kita para malaman natin. Kapag nabuhay ka eh di “OO” ang sagot sa tanong mo.” Sarkastikong sabi dito ni Ella.

“Ay, hindi na pala. Nagbago na ang isip ko. Hindi na 'ko curious sa sagot.”

Nakangising sabi ni Lieann.

Kasalukuyan silang nasa Jusangjeolli Cliff sa Daepo at nakatanaw sa karagatan nang Jungmun. Jusangjeolli are stone pillars shaped like cubes or hexagons of various sizes. Nabuo ang cliff na iyon nang pumutok ang noon ay active volcano na Mt.Hallasan at kumalat ang lava niyon sa karagatan nang Jungmun. The cliff is 30-40 meters high and 1 kilometer wide. May binuo na din ang pamahalaan na viewing platform na may wooden steps upang mas makita nang malapitan nang mga turista ang mga rock formation nang cliff.

“It’s beautiful, isn’t it?” Nagulat siya nang may magsalita sa kanyang tabi. Nalingunan niya ang isang sa tingin niya ay teenager na lalaki.

“Yeah.” Mahinang sagot niya dito. She doesn’t usually talk to strangers but this boy beside her seems harmless. Malinaw din niyang nakikita ang lungkot at paghihinagpis sa mga mata nito.

“It’s just sad that some people are taking this wonderful creation of god for granted.” Malungkot na pahayag nito. Nagtaka siya sa lalim nitong mag-isip.

“How old are you?”

“19. Why?” Takang tanong nito.

“I’m just curious how a teenager like you could think of such things.” Paliwanag niya dito. Karamihan kasi sa mga kabataan ngayon ay masyadong masayahin at hindi naiisip ang mga ganitong bagay.

“A tragedy can actually make a person think a lot of things and have a perspective in life in a different light.” The boy said matter of factly. “By the way, I’m Shin.” Sabi nito at inilahad ang kamay sa kanya.

“Nice meeting you Shin. I’m Lee.” Aabutin na sana niya ang kamay nito nang biglang may nauna nang makipag-kamay dito.

“I’m Gee. I mean Ji-Yong.” Seryosong sabi ni Gee kay Shin habang mahigpit nitong kinakamayan ang bata.

“Nice meeting you in person Mr. Ji-Yong.” Nakangiting sabi dito ni Shin. Dahil sa sinabing iyon ni Shin ay binitawan na ni Gee ang kamay nito.

“You know him?” Nagtatakang tanong niya kay Shin.

“Who wouldn’t know him in this country?” Sabi ni Shin. Bakit ba nawala na sa isip niya na sikat ang kasama niya? Paano kasi ay wala pang lumalapit dito upang magpakuha nang larawan at magpa-autograph mula nang magkita sila sa Jeju Island.

“Oh, I’m sorry I almost forgot how famous he is. Why nobody’s asking for an autograph?” Nagtatakang tanong niya sa sarili.

“Because they know that I am here for a vacation. They respect my time to get a rest.” Paliwanag sa kanya ni Gee na marahil ay narinig ang tanong na laan niya para sa sarili.

Taming The DragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon