CHAPTER 18

121 4 0
                                    

NALAGLAG ANG PANGA NILANG MGA BABAE nang makita ang iba’t ibang sculptures sa paligid ng sumunod na theme park na kanilang pinuntahan. Ang sabi ni Daesung ay sa “LOVELAND” umano sila pupunta. Tuwang-tuwa silang mga babae nang marinig ang sinabi nito. Sino ba namang babae ang hindi matutuwa kapag narinig ang salitang love? Naisip nila na isa iyong lugar na napaka romantic. Ngunit hindi nila inakala na literal na LOVELAND pala ang ibig sabihin ng pangalan ng theme park na nangangahulugan nang “LAND OF LOVE MAKING”. Nilapitan nila ang isang karatula sa gilid ng daan.

“A place where love oriented art and eroticism meet.” Basa niya sa nakasulat doon.

“Nanay ko! Umuwi na tayo! Babangungutin ako sa mga nakikita ko.” Nakangiwing sabi ni Lieann.

“Ah… this is heaven…” Narinig niyang sabi ni Daesung nang dumaan ito sa kanilang tabi at lumakad patungo sa harap ng isang sculpture.

“Gee…” Kinakabahang tawag niya dito sa kanyang tabi.

“Hmmmm?” He was grinning like a high school student.

“What is this place?” Nakangiwi niyang tanong dito.

“A theme park that focuses on a theme of sex.” Nagkakamot ito nang batok nito habang sinasabi iyon.

“Ha?” Natulala siya sa kanyang narinig.

“Here, they run sex education films. There are a total of 140 sculptures representing humans in various sexual positions.” Seryosong sabi ni TOP.

“Let's go! We are too young for this kind of place!” Sabi ni Janine habang hinihila si Shin.

“How old are you?” Tanong ni Taeyang sa dalawa.

“We’re both 19.” Sagot dito ni Shin.

“Then you are free to roam around. 18 and above are allowed here.” Nakangising sabi dito ni Taeyang.

“Don’t think wrong about this place. This was built because of art. That kind of art is called eroticism.” Paliwanag sa kanila ni Gee.

“Okay…” Nakangiwi niyang sabi dito.

“Iiihhh!!!” Reaksyon ni RM nang makita ang signage na may nakasulat na “Entrance”. Ang hugis kasi nang signage ay sa katulad ng kayamanan ng mga lalaki. “Tara! Bilisan na natin!” Dali-dali naman silang naglakad upang lampasan ang eskandalosong signage.

“Oh… mabuti pa itong isang ito… sweet…” Reaksyon nila sa malalaking sculpture sa kanilang harap. It’s a sculpture of a man and a woman kissing. Both their hands were on their back. The man was holding a heart-shaped box of chocolate.

Taming The DragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon