Kasabay nang pagkaka-promote kay Lee bilang manager ng accounting department ng Park Hong Group of Companies ay ang pakiusap ng kanilang napakagwapong presidente na dumalo siya isang conference na gaganapin sa Seoul, South Korea. Baon ang sanglaksang kabaliwan ay tumulak siya kasama ang mga kailbigan patungo sa bansa ng mga lalaking kinababaliwan nilang magkakaibigan. Doon ay nakilala niya ang lalaking kanyang kinahuhumalingan ngunit doon din niya natuklasan ang mga nakakainis na katangian nito at ang mga sekretong hindi niya inakalang matutuklasan niya. Ilang timbang kilig kaya ang maiuuwi niya sa loob nang dalawang linggong pananatili niya sa lupain nang mga pagkagwapo-gwapong nilalang? Anong mga kalandian ang maiisip niya kapag nakadaupang palad niya nag mga k-pop idols na BigBang at Shinee? Ilang litro ng ihi kaya ang mailalabas niya sa katawan sa sobrang kilig sa mga hindi inaasahang kaganapan? Join Hailee as she conquer the Land of the Morning Calm.