Prologue

57.1K 1.4K 245
                                    

BUSANGOT ANG mukha ni Sierra habang hinihintay ang pagbukas ng elevator papunta sa penthouse ng boss niyang masahol pa sa mga alagang tandang ng tatay niya kung topakin.

Dapat ay beauty rest niya ngayong araw pero heto siya at patungo sa penthouse ng topakin na 'yon.

Grr! Nakakainis!

Kung hindi lang malaki ang sahod niya, no'nka magtiis siya sa boss niyang 'yon. Pero pasalamat na din siya, kahit topakin ang lalaki at mukhang lider ng kung anong mafia ay hindi ito bastos. 'Di tulad sa dalawang nauna niyang mga naging boss. Tsk!

Habang naghihintay na marating ang penthouse ng boss niya ay lalong nadagdagan ang inis ni Sierra nang pumasok ang dalawang babae at parang may mga sili sa puwet kung kiligin habang nagbubulungan.

Ewan kung pagbubulungan pa ba ginagawa ng mga 'to gayong rinig na rinig niya naman pinag-uusapan ng mga 'to.

Hindi maiwasang umismid ni Sierra ng marinig ang sex escapade ng isa sa dalawang babae.

Sarap na sarap daw ito.

Eh, di ikaw na may sex life!

Hindi maiwasang sigaw ni Sierra sa isipan. Tinignan niya ang babae mula ulo hanggang paa habang nakatalikod ito sa kanya, tapos ay napailing. Halos kita na ang panty nito sa ikli ng suot tapos backless pa.

Umiling iling si Sierra. Nag-abala pa 'to magdamit. Tapos ay halos mabilaukan siya sa sunod na narinig mula sa pangalawang babae.

"Hmm...that man is good-looking but not as handsome and hot as the men in the Crown island. Specially Riot and Ruckus. Aahh...I'll die just to have a taste of them."

Nangangarap na turan ng babae.

Pigil ni Sierra ang matawa sa sinabi ng babae. Sa lahat ba naman ng kilala niya sa magkakapatid na Crown iyong dalawa pa talaga ang ang napili ng babae.

Tsk. Tsk. Tsk. Girl mamatay kang tigang sa dalawang 'yon. Sigaw ni Sierra sa isipan.

Paanong hindi? Ang sungit sungit ng dalawang 'yon at pinaka topakin na ata sa buong mundo. Yung boss niya ni ayaw magpahawak sa babae maliban na lang kay madam Aleandra. Si Ruckus naman, gah! Nananampal ng malalandi 'yon.

Napabulong ng pasasalamat si Sierra ng lumabas na ng elevator ang dalawang babae. Kahit papaano ay hindi na siya magiging tagapakinig sa mga sex escapade nila.

Kahit wala siyang karanasan eh hindi niya na kailangan makinig sa experience ng iba para malaman na masarap 'yon.

Dahil sa internet eh mas napabilis na at napadali ang access ng mga tao sa porns. At syempre dahil masaliksik siyang tao minsan eh... alam na.

Umikot ang mata ni Sierra habang dahan dahan na bumubukas ang pinto ng elevator nang marating ang penthouse ng boss niya. Sa mabibigat na paglalakad ay tinungo niya ang pintuan nito at binuksan gamit ang special access card na hawak niya.

Courtesy of my boss.

Nang mabuksan ay inikot niya ang tingin sa loob ng penthouse para hanapin ang boss pero napakunot ng noo ng hindi niya ito makita sa sala o kahit sa kusina at hapag.

The penthouse is silent and empty.

Kaya naman tinungo niya ang pinto ng kuwarto nito at ilang beses na kumatok. Nang walang nagbukas ay mas lalo lang siyang nainis.

Gusto niya sana sipain ang pinto kaya lang naisip niya baka kulangin pa sahod niya sa isang buwan para pambayad pagnagasgasan ang pinto nito. Sayang naman ang isang buwan o dalawa na ipambabayad niya lang dahil nagasgasan niya ang pinto nito.

Kreston CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon