CHAPTER 3 - Tagaytay

Magsimula sa umpisa
                                    


"Nasaan na kayo?" Bungad ko.


(Malapit na baks. Anong number ng suite mo at diyan na kami didiretso.) Sinabi ko sa kanila 'yung details at ibinilin ko rin na ibili ako ng kape on the way.


(Keri! 'Wag ka munang gagala nang hindi kami kasama ha. 'Wag kang taksil.)


"Oo na, bilisan niyo."


(Atat na atat! Madaling madali!) In-end ko na 'yung call dahil masyadong matinis ang boses ni Angel ang sakit sa tenga.


I decided to turn on the tv to kill some time. I'm getting bored at wala akong magawa.


After searching for some good channels to watch, pinatay ko na lang din 'yung tv dahil wala naman ako nakitang magandang palabas. Maaga pa kasi kaya puro balita at morning interviews ang aired.


At dahil bored na talaga ako, napagdesisyunan kong lumabas muna ng suite at mag-ikot-ikot sa hotel. Kaunting minuto pa pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa loob.


I also wore a cap para kahit paano ay hindi ako masyadong exposed. I'm still in a public place after all and I need to avoid being seen as much as possible 'cause we don't want everybody to know na may taping sa lugar na 'to at baka bigla kaming dumugin during the shoot.


Pumunta ako sa leisure area ng hotel at naglibot. I can't go far in case na bigla akong hanapin ni Tita B, at least I'm still around the area.


I found the pool kaya pumunta ako ro'n and sat in one of its chaise lounges. Wala namang ibang tao kaya tinanggal ko muna ang cap ko at saka sumandal. Sobrang ganda rito dahil tanaw mula sa pwesto ko ang dagat. I wonder kung anong oras matatapos ang taping namin ngayon. Parang gusto kong maglibot-libot.


"Then why didn't you tell me na dito pala ang shooting niyo? Ayaw mong sundan kita? Bakit kasi may itinatago ka?!" My eyebrows furrowed when I heard faint voices at mukhang papalapit sila rito.


"Why are you even here?" Wait, I know that voice.


"That's not the question here, bakit iniiba mo ang usapan?"


"Diana, please? Just for today, spare me from your nagging. Masakit ang ulo ko."


"No Creed, I need answers!"


Creed?


Dahan-dahan akong sumilip sa pwesto nila to confirm kung si Creed nga 'yung naririnig kong nakikipagtalakan sa isang babae.


And true enough, it is Creed. He seems very annoyed. Minsan lang ako makakita ng tunay na emosyon sa mukha niya off cam because his face usually devoid emotion. Not unless he's acting of course. Most of the time, wala ka talagang makukuha ni katiting na reaksiyon sa mukha niya. He's always impassive.

I FELL IN LOVE WITH MY CO-ACTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon