CHAPTER 6 - Pissed

3 0 0
                                    

"So you mean, pumayag talaga si Fafa Creed na maging boyfriend mo?!" I shushed Angel dahil baka may makarinig sa kaniya sa lakas ng boses niya. Nasa Starbucks kasi kami ngayon dahil may taping kami mamaya and we decided to grab a drink first before going to the set. 


"Pretend boyfriend," I corrected her. "At isang araw lang naman and then after that, we'll go back to our businesses, act as if nothing happened." I sipped on my coffee. 


"Imposible bakla. May isa sa inyong ma-i-inlove niyan for sure! Tapos sasabihin ng isa sa inyo na bakit hindi na lang totohanin ang lahat, and then boom! Couple of the century!" Napailing ako sa ilusyon ni Frances. Baka mauna pang magbagsakan ang asteroids from space bago mangyari 'yung iniisip niya. 


Because one, Creed and I are not even near to being friends. Two, mayroon siyang girlfriend na mukhang possessive sa kaniya. And lastly, it's just simply impossible. End of discussion. 


"I still can't imagine kung paano mo siya napilit at napapayag. Binayaran mo ba?" I glared at Angel. What does she take me for? 


"Ano ka ba Angel, may makakatanggi ba sa isang Leina Zane Mendoza?" Hinawakan ni Frances ang magkabilang pisngi ko at hinarap kay Angel. "What kind of a person would decline kung si Leina na ang hihingi ng favor, huh?" Tanong niya pa. 


"Probably a person like Alexander Creed Valerio?" Sarcastic na sagot ni Angel. 


"Remind ko ulit bakla ha, pumayag nga si Creed eh! Inggitera ka na naman wala ka nga sabing pag-asa ro'n." Inirapan siya ni Frances at nagsimula na namang magtalakan ang dalawa. Bakit ba ang gulo-gulo nilang kasama? Wala akong natatandaang mapayapang oras kapag silang dalawa ang kasama ko eh. Lagi akong parang nasa palengke. 


Hindi ko naman pwedeng sabihin sa dalawa na kaya pumayag si Creed sa favor ko ay dahil kinonsensiya ko siya. Because that would also mean na kailangan ko ring sabihin na 'yung card na ginamit ko ay 'yung sikreto ni Creed na aksidente kong natuklasan. I know how to keep a secret and I know how to keep my word. Kahit naman hindi pumayag si Creed na tulungan ako this Sunday, I would still keep his secret. 


"Sabihin mo na nga sa baklang 'to Leina kung bakit pumayag si Creed nang matahimik na ang baklang kaluluwa niya." Frances nudged me. 


"Pwede ba?" Saway ko sa kanila. "We better go. Baka ma-late pa tayo, kayong dalawa ang ituturo ko kay Direk." I stood up from my seat at lumabas na ng Starbucks. Sinundan naman ako ng dalawa at kinurot pa ako ni Angel sa bewang kaya hinampas ko ang kamay niya. Napaka selosa naman kasi talaga nito. Hindi ko rin naman siguro siya masisisi dahil since the day she met Creed, hindi na siya nagkagusto pa sa iba. Considering na before, halos mayroon siya palaging crush sa iba't ibang lugar and she also had multiple boyfriends. But ever since Creed, naging loyal na talaga siya sa kaniya and she abandoned all of her 'boys'. Crazy, right? 


Pagdating namin sa set, kinuha agad ako ni Tita B for briefings. In-inform niya na rin ako about sa brands na kumukuha sa akin for endorsements and for sponsorships. Being a celebrity is absolutely exhausting. Some may find it an ideal job because you get to be so famous and earn lots of money from it. But it is far from what everyone dreamt of. Kasi kapalit ng money and fame is 'yung stress, 'yung pagod, 'yung araw-araw mong pag-deal sa bashers, anxiety, depression, lack of sleep- it's crazy. But it's also the kind of crazy that makes me sane. Weird right? Well, let's just put it this way; I love what I do. 

I FELL IN LOVE WITH MY CO-ACTORWhere stories live. Discover now