Part I.

30 1 3
                                    

"T-Ted?" bulong kong tawag sa pangalan niya.

Tinignan niya ako at sumilay ang galit sa kanyang mata.

"Ang lakas naman ng loob mo magpakita ulit sakin, Anne." buong pangungutya niyang sabi.

"Ted, I'm sorry. I just want you to pursue your dream of having a child. I didn't mean to leave you," luhaan kong sabi.

"Ah oo nga pala infertile ka. I wasted 8 years to a woman who can't give me even a single child. The more I think of it the more na nasusuklam ako sayo," he mockingly said.

"I didn't mean to waste your life, your time and everything you waste on me. Hindi ko alam. At lalong hindi ko ginusto na maging infertile ako,"

Tinignan niya ko ng masama at hinawakan ang braso ko ng mahigpit, "Hindi sinadya? Ano tingin mo Anne paniniwalaan pa kita? Ano kasalanan ko sayo to make me feel miserable and to make me waste my time with you! Asang-asa ako Anne na mabibigyan mo ko ng masayang pamilya. Pero pinaasa mo ko sa wala!" at inalog niya ako.

Tumulo ang luha ko. Halos di ko na makilala ang taong nasa harapan ko. Hindi ko alam na he can do this to me. But, in the other hand, he have the rights to be mad at me. 8 years. Ang tanga ko hindi ako nag taka kung bakit hindi ako nabubuntis.

"T-ted, tama na. Nasasaktan ako. Sorry hindi ko sinasadya. Tama na," pag pigil ko sa kanya pero tuloy parin siya sa pag alog sa katawan ko.

"Tama lang sayo yan, Baog!" as if on cue dumapo ang kamay ko sa pisnge niya.

Nagulat siya at nanlaki ang mata ko sa ginawa ko. I never hurt,Ted. This is the first time.

"T-Ted, oo na baog ako. Oo na! Damn it! Wag mo naman ipamukha ang katotohanan na yan! Masakit Ted! Masakit ang iwan ka! Masakit ang bitawan ka! Masakit na talikuran ka! Pero tang*na Ted! Ginawa ko yun para sayo! At sana maisip mo na sobra din ang pag hihirap ko nang malaman ko ito! Ted nasasaktan din ako!" buong lakas kong sigaw sa kanya.

"Ang kapal mong babae ka para saktan ako. Wag ka nang mag papakita ---------"

At napabangon ako sa kama.

Panaginip.
Bangungot.

Pinunasan ko ang luhang nag lalandas sa aking mukha.

6 months na simula ng iwan ko si Ted, ang sulat, ang test at ang divorced papers.
6 months na akong binabangungot.
6 months nang unti-unti akong namamatay sa kalungkutan.

Paulit-ulit ang panaginip na tila ba binibigyan ako ng babala nito sa maaring mangyari.

Humiga muli ako sa kama at tsaka sinubukan muling matulog.

Pagkagising ko ay para akong lantang gulay. Hindi na ito bago. Simula nang iwan ko siya ay halos nawalan na din ako ng lakas. Kinuha ko ang relo at tinignan kung anong oras na.

6:00 am

Tama lang para makapag-ayos. Nag tatrabaho ako ngayon sa isang hotel dito sa probinsya bilang front office.

"Anna, what's with the fainted look?" Rain asked.

"Nothing, puyat lang siguro ako," I give her an assurance smile.

She smiled back. But, I know she isn't convince at all. Umupo kami sa upuan at dun nag-ayos ng make-up namin.

"Anna?" Rain called me.
"Yes?"
"Anna, if you still love him. Why don't you try na bumalik. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo. What if nahihirapan din si Ted, ngayon? What if he is waiting for you? Anna, stop being harsh to yourself."

"Rain. What if galit siya sakin? What if may iba na siya? Rain hindi ko kaya makita na may iba na siya. Oo pinakawalan ko siya para makahanap siya ng bago pero Rain hindi ako handa makita yun. Yung maisip pa nga lang para na akong sinasaksak paano pa pag nakita ko na?" luhaan kong tanong sa kanya.

"Anna walang mangyayari sayo kung puro takot ang paiiralin mo. Alam mo Anna hindi nakakatakot ang masagot ang mga tanong mo. Hindi nakakatakot na makita siyang may iba. Mas nakakatakot na tanggap ka niya pero dahil sa takot. Hindi mo na siya hinarap! Anna, if merong mang mas nakakatakot. Yun yung fact na sana kayo pa din kaso inuna mo yung insecurities mo at hindi mo siya pinag katiwalaan. If he loves you... Infertile or not. Mahal ka niya. At sabi mo naman you are sure na tanggap ka niya. Hindi masama ang mag ampon. Ang masama iniwan mo siya at nag decide ka ng para sa inyong dalawa. Anna, pag-isipan mo ang sinabi ko. Para sayo yan. Ayusin mo na ang make-up mo at malapit na time natin." Mahaba niyang litanya.

Hindi madali ang mag trabaho na humaharap sa madaming tao. Knowing inside you was breaking into pieces. Pero hindi rin pwede na hindi ako kumilos. I have to work para mabuhay ako. Kaya kahit ang hirap pinipilit kong gumising at harapin ang trabaho. Dahil sa ngayon yun na lang ang tangi kong magagawa para sa sarili ko.

-------

Hope you like it 🤗

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I love You, GoodbyeWhere stories live. Discover now