xxxiii

3.8K 39 6
                                    

*Brigette's POV*

I bet nanginginig na sa takot si Andrea. Tama lang yun sa kanya no para matuto sya sa mga sarili nyang kagagahan. Simula nga nung lumipad kami ni Khalel sa London e walang araw na hindi nya inisip ang kalagayan ng anak nya. Kahit anino ng anak nya ay hindi pa namin nakikita. Kahit naman maldita yang si Andrea e syempre gusto ko rin makita at maalagaan ang pamangkin ko.

Limang taon na ang lumipas at limang taon na rin kaming nangungulila ni Khalel sa anak nya. Bakit naman kasi di nakinig si Gab sa'kin dati na peke talaga ang resulta ng DNA. But this time, I have enough evidences para matahimik na yang Andrea na yan.

I sat on the red couch of the resto habang hinihintay ko silang dumating. Sabi kasi ni Gab ay kasama nya si Andrea kaya mas lalo akong ginanahan na makipagkita sa kanya. Para makita ko na rin ang pamangkin ko at ang bruhang nanay nya.

Mga labinlimang minuto na kong naghihintay nang may humintong pulang sasakyan sa harap ng resto. Glass kasi ang interior ng restaurant kung saan kami mag kikita kaya naman kaagad nakikita ang mga sasakyan at taong dumadaan dito.

I saw a red stiletto shoes na akmang bababa sa front seat ng car. Wow ha, grand entrance ang drama ng bruha. I saw her wearing white laced halter dress na tinernuhan pa nya ng pula nyang accessories. Pa demure tignan at nag dadalaga ang aura.

It was Andrea.  Then I saw Gab put his keys on his pocket and they walked towards the resto. I waved at Gab to catch his attention at kaagad naman nya kong nakita.

"Hi Gab! Long time no see! Nice to finally see you again" at bineso ko sya.

"Yeah, it's been five years Brigette" bati naman nya at bineso nya ko pabalik.

I threw my eyes on Andrea and looked her from head to toe bago ako nag salita.

"Looking good ha? Parang dalagang dalaga ka tignan sa outfit mo ngayon. Parang ang linis mo.. Ang linis mong tignan" at nagpakawala ako ng nakaka lokong ngiti.

"You looked good too Brigette. Mukhang napaganda ka ng London ha?" tapon naman nya pabalik sa'kin.

When she was about to give me a peak on the cheek, umupo ako bigla at napahiya naman sya.

Umupo sya sa tabi ni Gab habang ako naman ay nasa harapan nya.

"Should we place our orders now?" sabi ni Gab.

"Brigette diba vegetarian ka? Sayang parang wala yatang ampalaya dito" sabi ni Andrea at tinapunan ko naman sya ng masamang tingin.

"Nako okay lang yun Andrea, di naman ako nag dadiet ngayon e. I thought meat lover ka and you like exotic food? Sayang this resto is not for your appetite wala kasing ahas dito e" I said in a very sarcastic voice.

I saw her lowered her gaze.

"Ano bang pinag sasabi nyong dalawa dyan? Pasta nalang guys and salad? Is that okay with you two?" tanong ulit ni Gab.

The Bachelor's Other WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon