xi

5.1K 45 4
                                    

*Sandy's POV*

Ng palabas na ko sa pintuan ng clinic ni Gab, nakita kong paparating si Andrea kaya naman nagtago ako kaagad.

Nakita pa yata ng sekretarya ni Gab ang ginawa ko.

Hay nakakahiya, tsaka baka magsumbong pa ang matabang babaeng sekretarya nya.

Ng marinig kong tinanong ni Andrea si Gab sa sekretarya nito ay dali dali na kong umalis, buti nalang di nya ko nakita kasi nakatalikod sya.

Infairness ha, parang hindi clinic ang pupuntahan nya.

Ang iksi ng shorts at kung maka hanging top wagas..

San sya pupunta sa park? o sa beach?

DUUUUHHHHH >____<

Kahit kailan talaga attention seeker sya! Nagpapaka demure lang sya pero halata naman sa kanya na hindi sya ganun.

Bitch!

Ng pasakay na ko sa sasakyan ko naramdaman kong may tumatawag sa phone ko.

Dali dali ko naman itong kinuha sa bulsa ko para malaman kung sinong tumatawag.

Tss -_____-

Si Yaxien lang pala -____-

Di ko na sinagot at dali dali na kong sumakay sa sasakyan ko para mag drive.

Ang kulit ng lalaking to, tawag ng tawag >_<

IMBYERNA talaga to sa buhay ko!

"Oh bakit?!" iritang tanong ko

"Grabe ka naman parang ayaw mo kong kausap ha" sabi nya

Eh talaga naman ayaw ko syang kausap e! Kung yung isang gabi yung dahilan nya para kulitin ako pwes nag kakamali sya.

Walang ibig sabihin sa'kin yung gabing yun, maliban nalang kung hindi inisin si Gab at Khalel.

Bat naman kasi sa bar na yun pa kami nagkita kita e! >_<

"Eh nag dadrive kasi ako bakit ba, anong kailangan mo?"

"Ahh.. iinvite lang sana kitang mag dinner mamaya. Kung pwede"

"Dinner? For what?"

"Wala lang, parang dinner date lang" at bahagya pa syang tumawa

TSSS.. tignan nyo ang kapal talaga.

Medyo feeler ka Yaxien -__-

The Bachelor's Other WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon