xvii

4.7K 49 3
                                    

*Sandy's POV*

Nasa restaurant na kami ni Ysabel pero wala pa yung boyfriend nya at mga kasama nito.

"Hay nako, ang excited mo kasi e. Tignan mo nauna pa tayo sa kanya! Sayang naman ang ganda natin kung maghihintay tayo ng matagal dito noh!"

"Pwedi ba bessy relax ka lang? Papunta na nga daw sila. Na traffic lang daw"

"Teka nga, sino ba kasi yang boyfriend mo? Bat di mo pa sinasabi ang pangalan sa'kin? Baka mabati ko ng Mario yan ah hahaha!"

"Di ko pa ba nasabi sayo?"

"Edi sana kung nasabi mo na, edi sana alam ko na diba?"

"K bessy.. He is Danny Lee"

"Lee? Lee ang last name nya?"

"Yeah.. Bakit parang gulat na gulat ka?"

"Nasa Pinas ba sya?"

Di na nasagot ni Ysabel ang tanong ko, dahil dumating na ang kanina pa naming hinihintay.

At tama nga ako, ang Lee na tinutukoy nya at tinutukoy ni Gab ay iisa.

Nakita kong sinalubong sya ni Ysabel ng yakap at halik.

Samantalang ako ay naiwan sa table namin na gulat na gulat pa rin.

Kasama ni Dr. Lee ang ibang mga doctors na kasama nila sa conference.

Hinahanap ng mata ko kung nandito si Gab, ngunit nabigo ako.

"Ah, baby, this is Sandy my best friend. Bessy, this is Danny, my boyfriend" sabi ni Ysabel.

The Bachelor's Other WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon