xxviii

4.3K 41 11
                                    

*Gab's POV*

Ng makita ko si Andrea sa labas ng clinic ko na may hawak na baby ay biglang lumambot ang puso ko.

Bagay pala sa kanya ang maging isang ina pero kaagad din itong binawi ng utak ko dahil naisip nito na mas magiging masaya ako kung si Sandy ang makikita kong may hawak na sanggol.

Ng masabi na ni Andrea sa'kin ang pakay nya kung bakit pumunta sya sa clinic ko ay hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Pinaghalong tuwa, gulat, at lungkot.

Masaya ako na magkaka anak na ko, natutuwa ako dahil alam kong si Andrea ay magiging mabuting ina sa anak namin at nalulungkot ako dahil alam ko sa sarili ko na kailangan ko na talagang panagutan si Andrea lalo na ngayon na may anak na kami.

Hindi pa rin maalis sa isipan ko kung paano na ang mangyayari sa amin ni Sandy.

Hanggang kama nalang ba talaga ang relasyon namin?

Pano kung hindi ko pakasalan si Andrea? Ilalayo ba nya sa'kin ang magiging anak ko pag nagkataon?

Ahhhh.. nagsisimula nanaman gumulo ang isipan ko.

Nilapitan naman ako ni Andrea at sabay na niyakap ako.

Ng akma ko na syang hahagkan ay saka naman pumasok si Brigette.

"Brigette?"

Nanlalaking matang tanong ni Andrea sa babaeng kakadating pa lamang.

"Hey Brigette kumusta na ang wedding preparations na ginagawa nyo ni Andrea?"

"Gab, I think kailangan mo ng itigil ang kasal nyo"

"What?"

"Brigette ano bang mga pinag sasabi mo!" sabi naman ni Andrea

"Brigette, wala ng urungan to lalo na at buntis si Andrea at ako ang ama"

Gulat naman si Brigette sa sinabi ko at saka sinugod si Andrea para sabunutan ito.

"Walang hiya kaa!!! Bakit mo sinabi na si Gab ang ama!"

"Ano ba! Nasasaktan ako"

Pilit ko naman silang inaawat.

"Brigette wag kang gumawa ng gulo dito!" at saka ko kinulong si Andrea sa mga braso ko para hindi na sya masaktan ni Brigette.

"Gab hindi ikaw ang ama ng dinadala ni Andrea!"

"Whaaaaaattt?????"

"Nililinlang ka lang ng babaeng yan! Hindi ikaw ang ama ng bata!"

The Bachelor's Other WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon