XLIV

4.4K 46 9
                                    

*Gab's POV*

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa sunod-sunod na tunog ng alarm clock sa side table ko.

"Ahhh!! Ang aga aga pa" sabi ko ng mahina at saka ako bumalik sa pagbaluktot at sa pagyakap sa aking unan. Maya maya pa ay tumunog itong muli at nagising nanaman ako. Dahil sa pagkainis ko ay binato ko nalang ito sa sahig para magtigil na.

Sasakit kasi ang ulo ko pag nagkulang ako sa tulog kaya naman hinayaan ko na ito sa sahig. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay narinig ko naman ang sunud-sunod na pag ring ng phone ko.

"Bullshit! It's too early for errands!" sabi ko habang naka kunot ang noo ko at magkasalubong ang dalawang kilay ko.

I glanced at my phone and saw Richard's name. Bigla akong kinabahan sa nakita kong pangalan na tumatawag. Bigla kong naisip ang paternity test na lalabas ngayong araw. I answered the phone quickly habang kinukusot ko pa ang kabila kong mata.

"Good morning bro" bati ko sa kanya.

"Did I wake you up? I need to see you at 8am bro" sabi ng sa kabilang linya.

"Lumabas na ba ang resulta?" walang kagatol gatol kong tanong.

"Yes bro, I already have it. I need to see you para ma discuss ko sayo"

I felt my heartbeat turned into a race. Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko mapaliwanag ang butil ng pawis na lumalabas sa katawan ko. I even shivered.

"Okay bro, I'll see you at 8" sabi ko sa kanya then I ended the call.

Tinignan ko ang orasan sa phone ko at 7:15 palang kaya naman dali-dali akong tumayo at pumasok sa banyo upang maligo.

Ng matapos na ko, ay kaagad akong nag tungo sa garahe para kunin ang sasakyan ko at tuluyan ng puntahan si Richard. Wala pang kinse minutos ay narating ko na ang lugar.

Kaagad naman akong sinalubong ni Richard at saka pa tinapik sa likuran ko.

"How's the test?" alalang tanong ko.

"99% positive bro" sagot nya.

"Ha? What do you mean?" naguguluhan kong tanong.

"99% nag match ang sa inyo ni Gabby, ibig sabihin anak mo nga talaga sya!"

Hindi ako nakapag salita sa sinabi ni Richard. All this time tinago ni Sandy sa akin ang totoo? Gabby is my son? Oh my God! Para akong aatakihin sa puso sa nalaman ko. Hindi ko alam kung masisiyahan ba ako dahil napatunayan kong anak ko sya, o malulungkot ako dahil alam kong ipagdadamot lang sya ni Sandy sa akin?

Kinuha ko kaagad ang envelope na naglalaman ng resulta at saka na kaagad tinungo ang parking lot para magmaneho at para puntahan si Sandy.

Habang nagmamaneho ako ay bigla ko namang naisip si Lauren. Tama, malamang sa oras na to ay magkasama si Lauren at Gabby sa eskwelahan kaya doon ko naisipang pumunta na.

Nadatnan ko ang eskwelahan ni Lauren at sakto naman na break time nila. Kaagad akong nakita ni Lauren at dali-dali syang yumakap sa akin at hinalikan pa ako sa pisngi.

"Daddy I miss you! When can I see mom?" tanong nya.

"Let's wait a little more baby, you can see her soon" pag sigurado ko naman sa kanya.

Di ko namalayan na nakita pala ako ni Gabby at walang pag aalinlangan nya kong tinawag.

"Tito Gab!" sigaw nya.

Lalapitan ko na sana sya ng makita ko si Sandy na kinuha nya si Gabby at may balak pang ilayo sa akin.

"Sandy wait!" sigaw ko.

The Bachelor's Other WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon