Chapter 50:Clint,practice lang kami

Magsimula sa umpisa
                                    

"Mga sira!" Sabi ko pero tinawanan lang nila ako.

Mga sira nga talaga.

*TOK*TOK*TOK*

Napatigil sila sa pang-aasar sa akin ng may biglang kumatok sa pintuan.Agad kaming napatingin doon.

Lumapit si sir doon sa pintuan at binuksan iyon.Pagkabukas noon ay agad na nagtama ang paningin namin ni Kurt agad syang ngumiti at kumaway sakin pero ngumiti lang ako ng tipid sa kanya.

"Sir.Magpapractice lang po kami ni Hirein" nakangiting sabi ni Kurt habang nakatingin sa mata ko.

Ako ba si sir?Bakit kailangan sa akin sya nakatingin imbis na sa Mukha ni sir.Baka nagkapalit kami ng mukha ni sir sa paningin ni Kurt!?.

Humarap si sir sa SE sabay ngisi ng nakakaloko.Biglang nagbago ang atmosphere ng paligid.

"Pano ba yan Section Eleven?" Ngingisi ngising sabi ni sir."Kailangan munang umalis ng Prinsesa nyo.Prinsesa,sumama kana Kay Kurt "kahit hindi ko lingunin ay alam ko kung saan nakatitig si Sir.

Kay Clint.

Alam kong inaasar lang nila kaming dalawa kaya walang effect ang mga sinasabi nila.Tumango na ako at tumayo pero bago ako lumabas ng classroom ay lumingon ako kay Clint na ngayon ay nakatingin kay Kurt.

Type siguro nila ang isa't isa.

" Clint!"tawag ko sa kanya. Agad naman syang Tumingin sa akin ng matalim habang nakakunot ang noo.Ramdam ko ang tingin ng lahat sa akin pero ala akong pake.

Kasi.I DON'T CARE. Luh,ang tanga.

"Practice lang kami" sabi ko sabay ngiti ng pagkatamis tamis.Yung tipong kitang kita ang brace mo.Nakita ko naman ang pagkalma ng mga mata nya at pagtuwid ng noo nya.

Magsasalita pa sana sya kaso tumalikod na ako at humarap kay Kurt sabay ngiti.

"Tara na" sabi ko at nagpauna ng maglakad sumunod naman sya sakin.Agad akong napatigil dahil may narinig akong sigawan sa loob ng classroom namin.

"Waaaahhhhhhh!"

"Clint!Nagpaalam sya sayo!Wahhh!"

"Kinikilig ako!"

"May pag-asa paaaaa!"

"Ngiting tagumpay si Clint!"

Agad akong napailing at nagpatuloy ng maglakad Sumabay naman sakin si Kurt.

Hindi ko alam kung bakit ko ginawa ang magpaalam kay Clint.Basta nalang bumuka ang bibig ko at inilabas ang mga ganoong salita. Pero....nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang malumanay nyang mukha matapos kong sabihin iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon