Chapter 18:Tampo

16.6K 853 99
                                    

This chapter is dedicated for lhian_10.

HIREIN'S POV

Pagkarating namin sa harap ng dorm building ay agad kaming nagbabaan. Ibinaba na nila ang mga gamit na binili namin habang ako ay pinapanood lang sila.

Nagtatampo ako dahil never na nga akong nakapaglaro ipagkakait pa ni James. Habang pinapanood ko sila ay nakita ko kung paano pasulyap-sulyap si James sa'kin. Nag-guilty siguro siya.

Nakita ko pa na lumapit 'yung tatlo sa kaniya. Nagtipon-tipon sila habang pasulyap-sulyap sa'kin. Sigurado ako na ako ang pinag-uusapan nila.

Nakita ko pa na tinapik-tapik nila ang balikat ni James. Naglakad ito patungo sakin pero hindi ko siya pinapansin.

Nang nasa harapan ko na siya ay huminga muna siya nang malalim.

"Hir" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng patunugin ko ang face call ko sa cellphone.Kunwari kopa na sinagot ang tawag.Lumayo ako sa at kunwari na may kinakausap.

Nang kunwari ay natapos na ang pag-uusap ko sa cellphone ay lumapit uli sa'kin si James. Bago siya magsalita ay nagsalita na ako.

"Cris! Makikiparada na 'yung van. Thank you!" Sabi ko at nilagpasan si James. Ibinato ko naman ang susi kay Cris na agad niyang nasambot.

Naglakad na ako papasok ng girls dormitory, narinig ko pa na tinatawag nila ako pero hindi ko sila nilingon

***

Nang makarating ako sa dorm ko ay agad akong sumalampak sa kama. Tinignan ko kung nagtext si Matt pero kahit tuldok ay wala. Ano pa bang aasahan mo Hirein?Kasama niya si Mika.

Hindi ko na lamang inisip 'yun at nagtungo na ako sa banyo para magsipilyo at magpalit ng damit. Hindi na talaga ako kumain dahil busog ako.

Natulog na lang ako at wala ng inisip.

***

Nagising na lamang ako dahil sa alarm clock ko, agad akong bumangon at nagtungo sa cr. Naligo na rin ako at nagbihis ng uniform.

Agad kong pinatuyo ang buhok ko at ipinuyod iyon ng lahatan at ibinilot. Sinuot ko na rin ang salamin ko.

Nang matapos na ang lahat ay agad akong lumabas ng dorm at nagtungo na sa campus.

***

Pagpasok ko ay naabutan ko na ang buong section eleven dito sa class room.Hindi na ako nagulat kung sila ang mauuna. Lahat ng paningin nila ay nasa akin hanggang sa makaupo na ako.

Kalapit ko nga pala si James. God.

Nang makaupo ako ay agad kong inilabas ang headset ko at nagpatugtog na lang sa cellphone. Idinukdok ko ang ulo ko sa arm rest ko at pumikit. Hindi naman ako matutulog. Ayoko lang talaga sila makita.

Maya-maya ay bigla ng dumating si Sir Cuballes at inanunsyo na bukas na ang alis namin.

"Ok, class. Kaya ako nandirito ay para sabihin na bukas na ang alis natin papuntang BEACH," sabay ngiti ng nakakaloko. Palihim naman ako na napangisi.

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon