Chapter 36:Takbo

11.9K 624 62
                                    

HIREIN'S POV

Habang naglalakad ako sa may corridor ay panay ang bulungan ng mga estudyante na nadadaanan ko.Hindi ko sigurado dahil parang mga transfer ata ang pinag-uusapan nila e.

"Nabalitaan nyo ba yung grupo ng mga lalaki na nag transfer dito?"

"Balita ko may hinahanap silang babae" agad akong napatigil sa paglalakad. Sinalampak ko ang headset ko sa tenga ko pero hindi ako nagpatugtog.Makikinig ako.

"Oo nga e,sino kaya yon?"

"Ewan,kanina pa nila hinahanap yung babae e"

"Nagtanong nga sakin yung lalaking pinaka gwapo sa kanila kung may kilala daw akong......Nakalimutan kona yung pangalan e" sabi nung isa.Sino kaya yung hinahanap nung mga transfer.

"Ang swerte naman nung babae"

"Agree"

Hindi kona tinapos ang usapan nila dahil wala na akong pakialam. Tuloy lang ako paglalakad hanggang sa nakasalubong ko yung babaeng sinapak ko sa cafeteria nung mga nakaraang araw.

Nakataas ang mga kilay nila habang nagmomodel sa daan.Matapilok sana kayo.

Hindi kona dapat sila papansinin pero yung leader nila ay binangga ako.Inis kong tinanggal ang head set sa tenga ko at tumingin sa kanya.

"Opss,sorry, hindi ko alam na may haharang harang na basura sa dinadaanan ko" maarteng sabi nung leader.

Pag Ito sinapak ko,Tulog toh.

"Ano bang problema mo?" Malumanay kong sabi.

"Ikaw,ikaw ang problema ko!" Sabi nya habang dinuduro duro ako."Dahil isa ka lamang basura pero Andami mo na agad saking kinuha"tinabig ko ang kamay nya na nakaduro sa akin.

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon