Chapter 8

18.8K 931 296
                                    

JAMES POGI POV

Simula kahapon ay tahimik lang si Hirein at nakatingin sa bintana. Malayo ang iniisip. Saang bansa na kaya nakadating yung isip n'ya? Hindi n'ya ko sinama.

Mabuti na lamang ay hindi nag klase si sir Cuballes at umalis dahil may mahalaga s'yang inaasakaso.

Lahat kami ay nakatingin kay Hirein, tahimik ang lahat habang pinagmamasdan namin s'ya, walang gustong gumawa ng ingay dahil natatakot sila na baka sila ang pagbuntungan ng galit n'ya.

Ano kayang meron sa cellphone n'ya at binato n'ya iyon? Sayang mukha pa namang mamahalin.

Napansin ko na nakakuyom ang dalawa n'yang palad habang nakatingin sa labas.
Sinubukan kong silipin kung anong tinitignan n'ya pero wala naman akong makita.

Kahit naka shades s'ya ay alam kong mugto ang mata n'ya dahil hindi naman s'ya magsusuot ng gan'yan kung hindi s'ya umiyak.

Gusto ko sana s'yang kausapin pero natatakot ako.

She Change...

Napatingin kaming lahat kay Cris ng tumayo s'ya at lumapit kay Hirein. Sinenyasan n'ya si Jinjin na umalis muna. Pagkaalis ni Jinjin ay agad na umupo si Cris sa pinag-alisan ni Jinjin.

Lahat kami ay nakaabang sa sasabihin ni Cris.

"Peak a boo." Halos malaglag ang mga panga namin sa sinabi ni Cris. Nagtakip naman ng mga bibig ang mga panget para magpigil ng tawa at isa na ako du'n.

Hindi s'ya pinansin ni Hirein.

"Peak a boo." Ulit muli ni Cris. Halos dumugo na ang labi ko sa pagpipigil ng tawa.

Ang iba naman ay nakasalampak na sa lapag at tumatawa pero hindi sila lumilikha ng ingay. Nakatakip pa rin ang mga kamay namin sa bibig namin.

Nilagay ni Cris ang dalawa nyang kamay sa mukha n'ya ay at nagwika. "Peak a boo." Kasabay ng pagbigkas n'ya ay ang pag-alis n'ya ng kamay n'ya.

Ginawang bata si Hirein. Hahahahahah!

Hindi pa rin s'ya pinapansin ni Hirein ,napasimangot na lang si Cris kasi walang effect ang Peak a boo n'ya .

Kung hindi bumenta kay Hirein, sa amin bumenta HAHAHAHA!

"Hirein, ano ba ang nangyari? Nandito lang kami makikinig sa'yo." Seryosong sabi ni Cris. Nilingon n'ya si Cris at tinanggal ang shades n'ya.

Lahat kami ay nagulat dahil pulang-pula at mugtong-mugto ang mata n'ya. Dinaig pa n'ya ang adik.

Naging seryoso na kaming lahat habang nakatingin kay Hirein.

"Please burn my sad memories." Sa pagbanggit n'ya ng katagang iyon ay pumatak na ang luha na kanina pa n'ya pinipigilan.

Isinuot n'ya muli ang salamin n'ya at tumayo naglakad na s'ya papuntang pintuan, pero bago s'ya lumabas ay ngumiti s'ya, mapait na ngiti.

"Peak a boo." Sabi ni Hirein at tuluyan na s'yang lumabas.

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon