Chapter 13

263 14 2
                                    

Happy Birthday to our worldwide handsome man, Seokjin!! ^__^

Enjoy reading . . .

____

PAPASOK na ako, naka pamulsa akong naglalakad palabas ng gate, nakatingin lamang ako sa aking itim na sapatos. Napagdisisyunan ko ng maglakad kaysa magpahatid kay Mang Edy.

Napatigil naman ako dahil sa lakas ng busina galing sa aking likod. Natatamad naman akong lingunin ito kaya nagpatuloy na lang ako sa aking paglalakad.

Napatigil ulit ako sa paglalakad dahil sa pangalawang beses ay bumusina na naman ito ulit.

Lumingon ako at nakita ko ang van ng pitong lalaki. Umandar naman ito at tinapatan ako. Bumaba naman ang binta at nakita ko si Cedrick.

“ Sab!! Sumabay kana saamin! ” naka nguso nyang tugon. Tsk childish.

“ Wag na, okay lang naman’g maglakad e ” nahihiyang sambit ko.

“ Tss, hayaan nyo na sya. Nag-iinarte na naman sya. Let's go ” si Laki Ilong.

Pastilan! Lumaki pa sana ‘yang ilong mo! Hindi nya ba alam yung words na HIYA?!! shempre kailangan una, nahihiya ka muna! Dapat pilitin nila ako!! nyemass!!!

“ Sumabay kana saamin Sab, responsibility ka namin kung meron mang mangyare sayo, don't shy. Come on, let's go, sit here beside me ” nakangiting sambit ni Tyler.

Buti pa toh! Tss. .

Tinulungan nya naman akong maka upo sa tabe nya.

“ S-salamat ”

Tumango lang sya.

“ Tss, bilisan mo ngang magdrive Zack! ” inis na sambit ni Laki Ilong.

“ Oo na! Nagseselos ka lang eh ” napangising sambit nya.

“ Tss! Saan? ” kunot na kunot na usal nya.

Sekweeeett!! ” usal nila ni Sam. Natawa naman ang iba.

Matagal ‘rin pala. Nakarating na kami sa parking lot ng CU, nakita ko naman na maraming ng nag-aabang na mga estudyante sa parking lot.

“ What are you waiting for? ” si Tyler na hindi pa lumabas.

“ Marami palang nag-aabang sainyo. Baka dumugin ako ng mga ‘yan mahirap na ”

“ Kung lumaban ka hindi ka takot pero pag sa mga estudyanteng nag-aabang saamin takot ka! ” sabat ni Laki Ilong.

“ Sinabi ko bang sumabat ka? ”

“ Wala akong binabanggit na pangalan Miss Lopez! Natamaan ka? ”

“ Duhz, sinong kausap mo kung wala? Ay! Hindi po ako natamaan, yes ho’ hindi!! ” kumukusilap na usal ko.

Medyo natawa naman sya kaya nagulat ako dahil yun ang unang beses nyang tumawa. “ Why?! Wag mong titigan baka hanap hanapin mo nyan. . . Mahirap na ” nakangising sambit nya.

Napagtanto kong nakatitig na pala ako sa kanya.

No way! Highway!!!

“ San banda? Yang ilong mo bang malaki? Tss!! Asa! ” kumunot naman ang noo nya at sinamaan ako ng tingin. Narinig ko pa ang tawa ni Tyler sa gilid ko.

Lakas loob akong lumabas. Lumabas ‘rin si Tyler at Laki Ilong. Nasa labas na yung iba.

“ Ang g-gwapo nilaaa!!! Kyahhh! Sinalo lahat nila yung ka gwapuhan nung nagpaulan si God!!! ”

THE NERD WITH IDENTITY MEET THE 7 GANGSTERSOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz