Chapter 28

149 8 1
                                    

MABILIS lumipas ang araw. Bukas na gaganapin ang event. Kaya naman ay may ipapadala daw si Mommy dito para sa mag-aayos saakin bukas, ganon din ang susuotin ko wala na daw akong aalalahanin pa dahil lahat daw ay sagot nya. Sa mga araw na lumilipas ay maraming nangyayare. Aaminin kong nagugustuhan ko ang trato saakin ng pito lalo na si Pederek. Lagi kaming magkasama. Iniisip nga ng iba ay may namamagitan saamin kaya pati ako ay napapa-isip narin. Iba ang mga kinikilos nya. Ganon din si Tyler pero hindi kona lang pinapansin.

Nagpokus ako sa mga activities na binibigay ng mga teacher. Ayoko ring mapahiya kay Ser Kabayo dahil alam kong kapag may hindi ako nasagutan o namali ako sa mga pinapagawa nya ay todo na sya mang-lait, sabi nila Karen ay ganon daw talaga sya. Malakas daw ang kapit nya kay Dean kaya todo sya kung magsalita. Kahit masaktan ka o makasakit sya dahil sa pananalita nya ay wala syang paki-alam.

Marami akong natutunan. Marami akong natutuklasan. Marami din akong nararamdaman. Naging masaya ako dito sa mundong ito. Nagkaroon ako ng kaibigan. Nagkaroon ako ng pamilya. May natulungan ako at may tumutulong din saakin. May hindi magandang ugali at may magandang ugali. Palakasan ng loob dahil kung mahina ka ay aapihin ka. Patalasan ng isip dahil kung mahina ang utak mo ay huhusgahan ka. Mailalarawan ko ang mundong ito sa basura. Maraming bulok ang pag-iisip, iniisip lang ang sariling kapakanan. Madumi ang utak, hindi inaalam ang totoong nangyare kaya mabilis na hinuhusgahan. May nabubulok at hindi nabubulok. Unahin natin ang nabubulok. Marami sila, mapanakit at mapanglait. Kabilang dito ang masasamang-tao. Maganda ang physical na anyo ngunit nabubulok ang ispiritual na kalooban. Makasarili. Doon naman sa hindi nabubulok ay kakaunti lang ang mayroon dito. Maganda ang pag-uugali ngunit nakakagawa ng pagkakamali.

Walang perpektong tao. Kahit ako ay hindi perpekto. Ano ba ang tawag sa katulad ko? Tao ba’ko? Hindi ko alam. Nabubuhay lang ako. Mayroong kapangyarihan na hindi alam kung saan nanggaling. Malakas ang loob na lumaban pero natatakot kapag ang malalapit na tao sakanya ay sinaktan. Hindi alam ang mga hakbang. Patuloy lang sa agos ng buhay.

Patuloy lang akong naglalakad sa hallway. Maraming mga estudyanteng nagkukulitan. Naghahabulan na akala mo ay bata. Maraming nagtatawanan. Maraming namro-mroblema. May naiinis rin. Ganyan ang mga nakikita kong reaksyon nila.

Hindi ko alam kung makakabalik paba ako sa mundo namin. Hindi ko alam kung saan ko matatagpuan. Napapamahal na ako sa mundong nilalakaran ko. Naisip ko kung paano kung pagpiliin ako? Anong pipiliin ko? Ang manatili sa mundong ito o ang makabalik sa mundong kinalakihan ko? Paano yung mga kaibigan ko? Paano yung pamilyang maiiwan ko dito? Mas lalo lang gumugulo ang pag-iisip ko. Mamaya pa ang klase namin kay Kabayo. Meron pa kaming oras para mag-liwaliw. Kanina ko pa hinahanap yung dalawa. Napapagod narin akong maglibot-libot dito sa campus. Gusto ko lang makapag-isip ng maayos. Makalanghap ng sariwang hangin.

Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito sa rooftop. Masyado yatang malalim ang iniisip ko kaya hindi ko namalayang na nakarating ako dito. Malakas ang ihip ng hangin dito. Buti pa ang hangin walang iniisip.

Ano bang pinagsasabi mo Sabrina? Pastilan ka.

Kumuha ako ng upuan at umakyat sa mas mataas pang bahagi. Mas lalo kong nararamdaman ang lakas ng ihip ng hangin. Umupo lang ako at isinandal ang likod sa railings. Ngayon ay nahanap kona ang perpektong lugar. Sariwa ang hangin. Pinikit ko ang aking mata.

“ Ay! Shutang kapat— ” napamulat ako dahil sa lakas ng sigaw ng isang lalaki. Nakita kona nasa sahig sya at malalaking mata ang nakatutok saakin. Naka-nganga pa sya at gulat na gulat.

Pamilyar ang mukhang pilit kong inaalala. Tumayo naman sya nang bumalik na sya sa katinuan. Pinagpagan ang sarili at binalik ang tingin saakin.

“ Sabrina, bat nandito ka? ” nagtakha naman ako dahil kilala nya ako. Pamilyar sya. Ano na nga pangalan nito?

THE NERD WITH IDENTITY MEET THE 7 GANGSTERSWhere stories live. Discover now