Chapter 24

388 21 11
                                    

Sabrina PoV.

Para akong tutang kumakain dahil masama pa rin ang tingin ni Pederek saakin. Hindi sya namamansin at hindi matanggal ang kunot nyang noo sa kanyang mukha.

Ganyan na yan kanina pa, simula nung tanungin ko sya kung bakla ba sila pero imbis na sagutin nya ay sinamaan nya na lang ako ng tingin at nagmaneho ulit.

" Finish your food Lopez, before thinking of something. " matalim ang tingin nya.

Inirapan ko lang sya at kumain.

" Bakit hindi mo pala hindi sinagot yung tanong ko kanina? " taas kilay kong sambit. " Siguro totoo noh? "

" Seriously? Do you know what are you saying woman? " nakangising sambit nya.

" Malamang. Sagutin mo na lang para tapos na, wag kang mag-alala hindi ko ipagsasabi " ngumisi ako.

Napahawak naman sya sa gitna ng ilong nya at matunog na pumikit na parang malapit ng maubos ang pasensya nya.

" Of course, I'm not fucking gay! " nagulat naman ako dahil ang lakas ng boses nya, napatingin tuloy yung mga tao saamin.

" Chill, pwede mo naman sigurong sabihin na hindi ka bading ng hindi sumisigaw diba? " pabulong na sabi ko sa kanya.

" Whatever, now you know. Don't you ever dare to mention that fucking word. " sabi nya at inirapan ako.

Iba talaga sya magalit tss. Englishero magalit hay!

Tumaas naman yung gilid ng pang itaas ko labi at kumain na lang.

*

Pabalik na kami ng university. May bigla akong maalala na tanungin sa kanya. Nilingon ko naman sya na naka focus sa pagmamaneho ng sasakyan. Para syang modelo, ang kapal ng kilay nya ganun din yung pilik mata nya masasabi ko na lang na ang swerte ng lalaking ' toh, aba'y mala modelo ang pagmumukha, nakakatawang isipin na sa dami ng magagandang parte ng mukha nya ay yung malaki nyang ilong yung napansin ko HAHAHA.

" Pinalaki akong gwapo kaya no wonder ganyan yung tingin mo " ngumisi sya at tiningnan ako saglit.

Ano?! Akala nya naman gwapo sya? Ang taas ng pangarap nya! Oo, sinabi kong mala modelo yung mukha nya pero hindi ibig sabihin non ay sya na ang pinaka gwapo sa buong mundo tss.

" Asa! Bakit nga pala hindi kayo umuwi kagabi? "

Nilingon nya naman ako at ibinalik din ang tingin sa daan.

" Hindi ko alam na- " pinutol ko na agad ang sasabihin nya dahil yan din ang sinagot nya saakin kanina!

" Pastilan! Sasagot ka ng maayos o guguluhin kita sa pagmamaneho?! "

" P-paksiwan?! What word is that? " sambit nya at binagalan ang pagpapatakbo ng sasakyan, kumunot ulit yung noo nya at nagsalubong ang kilay.

[ A/N: Para sa mga hindi nakakaalam huhu, sinali ko lang yung word na yun which mean is bad word sa mundo nila Sabrina ]

Natawa naman ako dahil sa sinabi nya.

" Anong paksiwan? " natatawang tanong ko sakanya.

" What's funny? Sabi mo paksiwan? "

Gusto kong tumawa kaso masyado syang seryoso kaya pinigilan ko.

Paksiwan HAHAHAHAHA!

" Pastilan yun. Paksiwan ka dyan HAHAHA! " hindi ko talaga kayang pigilan kaya tinawa ko na lang.

THE NERD WITH IDENTITY MEET THE 7 GANGSTERSWhere stories live. Discover now