Chapter 9

269 16 2
                                    


Sabrina POV.

Lumipas ang tatlong araw, ang araw kung saan ibibigay na ni Dean Smiling Face ang susi ng dorm namin. Sa dalawang araw na lumipas ay mas lalong dumarami ang mga sumusubok na saktan ako, shempre hindi ako nagpapatalo. Kasali na sa mga na nanakit saakin ay ang grupo ng mga unggoy at ang grupo ng mga demonyo! In short ang grupo ni Laki ilong at ni Samantha.

Papunta ako ngayon sa office ni Dean, break time namin ngayon kaya mas inuna ko ng puntahan si Dean kaysa pumunta sa canteen. Nasa tapat na ako ng pintuan ng office kaya naman kumatok ako ng tatlong beses at binuksan 'yon. Naabutan ko naman na may katawagan si Dean.

' Siguro may kaharutan tong' si Dea. Ano kayang tawagan nila? chu-chu? babo? labbe-labbe? kurikong? uttog? pem-pem—

" I call you later. " narinig kong tugon ni Dean sa kausap nya at binaba ang telepono. " Yes? Miss Lopez? " nakangiting usal nya.

' Loh? Parang masayahing tubol si Dean.

" Hehe, Ahm pwede kona po bang makuha yung sa dorm ko? " nakangiti ko 'ring usal para pareho kami. Mwahaha.

" Yung dorm key at yung number. Alright wait a minutes " usal ni Dean at lumabas ng office.

Habang wala naman sya ay nagnakaw na ako ng kanyang mamahaling gamit—jowk. Nag masid ako sa buong office nya, malawak, malinis, basta maganda at maayos ang office bigla namang nasagi sa paningin ko ang picture frame sa gilid ng lamesa ni Dean. Lumingon-lingon pa ako sa pintuan dahil baka pabalik na si Dean pero wala pa sya kaya naman nilapitan ko ang picture frame sa gilid ng kanyang lamesa. Nakita ko ang isang masayang pamilya. Una kong tiningnan ang babaeng yakap ni Dean, ang ganda nya at makikita mong masayang masaya sya sa litrato, sunod naman ang nakayakap ding babae sa kanya, halatang anak nya ito, hindi ito nakatingin sa kamera dahil ang tiningnan nya ay ang nakasimangot nyang kapatid na lalaki, maliit ito at may hawak na laruang spiderman. Nakatingin ito sa kamera habang nakasimangot, si Dean naman ay nakangiti at nakahawak sa pisngi ng batang lalaki. Halatang pinipisil nya ang matabang pisngi ng batang lalaki.

Nakaramdam naman ako ng kirot sa aking dibdib dahil bigla kong naalala yung mga magulang ko, hinahanap pa kaya nila ako o baka naman ay hindi na. Siguro may mga sarili na silang pamilya, iyong masaya, hindi ko naman mapigilang mapaluha dahil naiingit ako sa litratong ito. Nakita ko namang pabalik na si Dean kaya pinunasan ko na ang aking luha at mabilis na bumalik sa kaninang upuan ko.

" Naubusan ka ng dorm Miss Lopez, don't worry gagawan kita ng paraan, i'll inform you if may nahanap na akong magiging dorm mo, it is okay? " malungkot nyang tugon.

" Okay lang po dean, basta sabihan nyo na lang po ako pag ayos na. " nakangiti kong usal.

" Yes, Miss Lopez " nakangiting tugon nya na.

Tumayo naman na ako at lumabas ng office, nakahinga naman ako ng maluwag.

Papunta na akong canteen ng may dalawang babae na lumapit saakin. Nagulat ako sa inasal ng isa.

" Kyah! Karen sya na 'yon! Yung tumulong saakin. Hi, Lodi! " masakit sa tainga na tili nya.

" Yang bibig mo kanina pa yan, pasungal-ngalan kaya kita ng mineral botle para manahimik ka na, ang sakit sa tainga " naiiritang usal ng Karen 'raw.

" Sabi ko nga tatahimik na. " tugon ni Nicole.

Tumingin naman saakin si Karen at ngumiti.

THE NERD WITH IDENTITY MEET THE 7 GANGSTERSWhere stories live. Discover now