Chapter 48:Annoucement

Start from the beginning
                                    

"Kaya ko kayo pinatawag dito ay dahil mayroon tayong big announcement!" Jusko!Hindi kaya sya si Big Brother!? Big Announcement daw e.

"Woahhhhhh!"

"Wahhhhhhh!"

"Can't wait to hear!"

Ang Daming nagsisisigaw.Nakakairita.Mabasag sana mga eardrums nila!

"Nandito kayo ngayon dahil sa isang excited na announcement.Kaya ko kayo pinatawag ay may gaganaping Music Contest!" Oh?Yun lang ba?.Pwede na bang umalis?

"Woahhhhhh!"

"Every section ay mayroong representative!Pipili kayo sa Section nyo ng partners. Boy and girl." So,Ayun nga ang daming sinabi Nung Head Teacher,wala akong maintindihan kahit isa Kundi ang salitang Maaari na kayong bumalik sa inyong silid.

---*

Nandito kami ngayon sa classroom at nagpupulong kung sinong representative ng SE.

"So,sino ang representative natin?" Tanong ni sir Cuballes. Nakaupo kami sa aming mga upuan habang Si sir ay nakaupo sa kanyang table.

Ang galing ni sir,Ano?.Upuan nya table.

"Sir si princess!" Sabi Nung apat. Agad na nanlaki ang mata ko.

"Sir!Hindi ako marunong kumanta!" Gulat na sabi ko.Natanggal ko nga ang aking kamay sa aking baba dahil sa sinabi Nung apat.Naka pangalumbaba kasi ako kanina bago magsalita yung apat.

"Princess, wag mona kaming lokohin!"

"Oo nga!"

"Narinig kana naming apat na kumanta!"

"Yah yah yah!"

Sabi Nung apat habang nakatingin sa akin.Agad naman na nangunot ang noo ko.

Kelan naman nila ako narinig na kumanta?

"Kelan naman ako kumanta?" Sa pagkakaalam ko ay hindi pa ako kumakanta Simula ng pumasok ako dito.Pano nila ako narinig na kumanta kung ganon?."Sa pagkakaalam ko ay hindi pa ako kumakanta?"

"Sa cellphone mo"agad na nangunot ang noo ko.

Ano namang meron sa cellphone ko?.

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Where stories live. Discover now