Chapter 6

7.5K 181 2
                                    

 Paghinto ng sasakyan sa tapat ng bahay ay binuksan ko kaagad ang pinto ngunit bago pa ako makababa ay nahawakan na niya ang kaliwang kamay ko.

"Wala man bang 'Thank you' ?"

"Thank you." tipid kong sagot.

 Akma na akong bababa ngunit pinigilan na naman ako.

"Hindi mo man lang ba ako aayain bumaba?" tanong nito.

 Umiwas ako ng tingin. Heto na nga ba ang sinasabi ko. Ayokong magpahatid dahil may hinala ako na ganito ang mangyayari. Hindi ba talaga siya nakakahalata? Ayoko siyang pumasok sa bahay at ayoko siyang makasama dahil ako lang mag-isa. Hindi ko pa siya ganoon kakilala para ayain siya sa loob.

"Don't you trust me? I won't do anything to hurt you." wika nito.

 Tila nabasa niya ang iniisip ko. Huminga ako muna ako ng malalim bago tumingin sa kanya.

"Kahit naman tumanggi ako ay ipagpipilitan mo pa rin ang gusto mo." malamig kong tugon.

 Unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

"Will you let go of my hand, now?"

"Sure." tugon nito at pagkatapos ay tumalima. Nang bumaba na ako mula sa sasakyan ay bumaba na rin ito at saka sumunod sa akin.

 Pagbukas ko ng gate ay tuloy tuloy ako naglakad papunta sa pinto ng bahay. Kinuha ko ang susi mula sa aking bag. Akma ko itong ipapasok sa door knob subalit pigilan niya ako.

"Let me."

 Binigay ko ang susi sa kanya. Pagbukas niya ng pinto ay walang imik akong pumasok sa loob at tuloy-tuloy ako sa dining. Inilapag ko ang bag sa mesa. Tumuloy ako sa kusina na karugtong lang ng dining area. Binuksan ko ang refrigerator, kumuha ng orange juice at nagsalin sa baso. Pagkatapos ay nagmamadaling binalikan siya.

 Hindi man lang ito nag-abalang umupo. Nakatayo pa rin ito at pinagmamasdan ang kabuuan ng bahay.

 Bungalow type ang aming bahay kaya naman wala itong second floor gayunpaman ay malaki naman ito kumpara sa mga katabing bahay. Hindi man ito marangya tulad ng ibang bahay na nasa loob ng subdivision ay hindi rin naman ito pahuhuli sa disenyo. Mayroon lang itong tatlong elevated rooms, ang sala ay karugtong ng dining na sliding door lang ang nakapagitan. Ang humahati naman sa kusina at dining ay high top counter.

"Take a seat." saad ko para makuha ang atensyon niya.

 Napatingin siya sa akin. Iniabot niya sa akin ang susi. Ibinulsa ko at pagkatapos ay iniabot naman ang juice sa kanya.

"Nag-abala ka pa." wika nito. Sumenyas ako na umupo siya. Tumalima naman ito.

"You have a beautiful, house."

Surrender Your Heart (Hidden Agenda)Where stories live. Discover now