Chapter 36

6.1K 127 4
                                    

Araw ng alis namin papuntang Bolinao. Napagkasunduan ng magkakaibigan na pumunta na lang sa isang beach resort dahil pagkakataon na raw 'yon para makapag-hangout. Limatado lang kasi ang water sports activities na pwedeng gawin sa lugar.

Maaga akong nagising para ayusin ang mga dadalhin kong gamit. Madaling araw ang alis namin kaya naman kagabi pa lang ay inihatid ko na si Prince kina Nico. Wala na kasi akong oras na ihatid siya dahil susunduin kami isa-isa sa bahay. Isa rin sa napagkasunduan ay ang walang magdadala ng sariling sasakyan dahil isa lang ang gagamitin namin. Para naman daw mas magkaroon kami ng bonding at mahabang oras na magkasama. Kinabukasan ng hapon din raw ay uuwi na kami kaya sulitin na ang oras na kami'y magkakasama.

Pagkarinig ko sa busina ng sasakyan ay sinukbit ko ang aking traveling bag sa aking balikat. Ini-lock ko agad ang pinto. Tulog pa kasi si Leng. Ayoko nang gisingin pa siya para ipasara lang ang pinto. Paglabas naman ng gate ay bumukas agad ang pinto ng van.

"Get in." nakangiting bungad ni Will. Inabot niya ang traveling bag ko.

"Good morning, beast." bati ko bago pumasok sa sasakyan. Umupo ako sa kanyang tabi at tapat ng bintana bago tumingin sa likod.

"Hi guys. Ang aga namang lambingan niyan." bati ko sa magkasintahan na magkatabing nakaupo sa likuran. Nakahilig ang ulo ni Trish sa balikat ng kanyang nobyo. Habang nakayakap naman si Trevor sa kanya.

"Tulog." bulong ni Trevor. May suot na sunglasses si Trishia kaya hindi malalaman kung dilat o nakapikit ito.

"Pinuyat niya siguro kagabi." sabat ni Caelvin na siyang nagmamaneho ng van. Tumawa pa ito nang marahan na tila nanunukso.

"Shut up." mariing bulong ni Trevor.

"Guilty." gatong pa ni Will sabay tawa.

"Asan ba 'yung iba?" pag-iiba ko ng usapan.

"Susunduin pa sa kanilang bahay. Tumawag si Ram na ihuli na raw siya dahil may bibilhin lang muna sandali. So we're heading straight to Tom's condo then Jim's house." sagot ni Caelvin.

"Tonette is coming with us." sabat ni Trevor.

"What?!" gulat na bulaslas ni Will sabay lingon sa kanya.

"Ssshh...Quiet. Can't you see? My girlfriend is sleeping, brad. Why are you overreacting?"

"Because you didn't tell me she's coming with us! Ayoko siya makasama." mariin nitong tugon.

 Napangiti tuloy ako. Ang sarap talaga pakinggan ang isang ito kapag nananagalog. Bagamat nagbabangayan kami noo'y naaaliw ako sa kanyang pagsasalita. Napansin ko kasi na may punto ang pagsasalita niya ng tagalog. Ang cute lang. Walang duda na marunong siya managalog. Madalas nga lang na english ang gamit niyang lengwahe. Maybe, he just didn't grow up speaking the native language. With his facial features, obviously, he has a foreign blood.

"Chill, Beast. Why are you so worried? Are you afraid you might not able to control yourself whenever she's around. Geez! You like her! You're just indenial." tukso ko sabay ngisi.

"Of course not! And shut up, witch."

"Fine. Idlip muna ako." natatawang tugon ko sabay pasak ng earphone sa aking tenga at pinatugtog ang nasa aking playlist.

 Kinuha ko ang sunglasses na nakasukbit sa aking shirt at isinuot. Inihilig ko ang aking ulo sa sandalan at ipinikit ang aking mga mata.


Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakaidlip. Naalimpungatan ako nang may humila sa earphone ko at nag-alis ng suot kong sunglasses. Kinusot ko ang aking mga mata bago tiningnan ang katabi ko. Akma kong  sesermunan si Will sa pang-iistorbo niya sa tulog ko ngunit natigilan ako.

Surrender Your Heart (Hidden Agenda)Where stories live. Discover now