Chapter 16

5.4K 125 1
                                    

Matuling lumipas ang mga buwan. Ilang araw na lang ay semestral break na. Hindi ko namalayan ang paglipas ng panahon. Naging maayos naman ang buhay eskwela ko sa nakalipas na mga buwan kahit na ba paminsan-minsan ay pinariringgan pa rin ako ni Margie. Ang pinagtataka ko ay kahit ganoon ito ay walang ginagawa ang kanyang dalawang alipores. Hindi katulad noong pinagtulungan nila ako.Parang may pakiramdam akong may pumipigil sa kanila para gawan ako ng hindi maganda. Gayunpaman ay pinagpapasalamat ko na rin sa Diyos ang pagiging harmless nila. Sana lang ay hinawaan nila si Margie.

Maraming humahanga kay Ram ngunit hindi sila katulad ng mga tatlong iyon na kayang manakit. Hanggang parinig o komento lang ang kaya nilang gawin. Which I didn't mind at all. I believe that we are entitled to our own opinion. Kung sa tingin nila'y 'di kami bagay ni Ram, na napaka ordinaryo ko para magustuhan niya, etc. Wala akong pakialam. Pero iba na ang usapan kapag hinamak na nila pagkatao ko. Kung tingin nila'y lulunukin ko lang lahat ng sasabihin nila ay nagkakamali sila. Lalaban ako kapag nagkataon.

Pero sa awa ng Diyos ay wala pa akong naka-away dahil sa totoo lang ay umiiwas ako hanggat maaari. And I think no one dares to mess up with me. Why? Because I am protected by Ram and his friends. The so-called DDG Brothers. They became my friends. Maisasama ko na sila sa listahan ng mga kokonti kong kaibigan. Paano nangyari? Obviously dahil kay Ram. Mag-lilimang buwan na siyang nanliligaw sa akin. At sa tuwina'y sinasama niya ako sa ilan nilang mga lakad at mga salo-salo na naging daan para magkalapit kami ni Trishia sa isa't-isa. Nakilala ko na rin ang nililigawan ni Caelvin na si Carrie na nag-aaral sa ibang University. And the three of us get along with each other.

"Hey! Anong ginagawa mo rito sa labas?" tanong ni Dave. Napalingon ako sa kanya at saka ngumiti.

"Nagpapahangin lang."

"Hindi ka ba masaya? Today is your day. You should be happy."

"Of course I am happy."

Nandito silang lahat. Sina Tito at Tita pati rin ang tatlong kapatid ni Dave. Sinorpresa nila ako. Maaga pa lang ay nandito na sila. Nagdala sila ng mga groceries. Magluluto raw si Tita ng pagsasaluhan namin.

Today is my birthday though for me it's just another ordinary day. I don't usually celebrate. Pinupuntahan ko lang ang mga puntod ng mga magulang ko. Mas gusto ko kasi tumatambay roon para maibsan kahit papaano ang pangungulila ko sa kanila. I miss my Mom terribly. Actually both of them. Kahit hindi si Papa Henry ang tunay kong ama ay hindi matatawaran ang pagiging ama niya sa akin. Itinuring niya akong isang tunay na anak. Kahit na noong una ay hindi ako malapit sa kanya dahil sa kaloob-looban ko ay siya ang sinisisi ko kung bakit naghiwalay ang mga magulang ko. May pakiramdam kasi ako na siya ang dahilan ng lahat. Ngunit kalaunan ay natutunan ko na rin siyang mahalin bilang aking pangalawang ama. Pinatunayan niya sa akin na kaya niyang maging ama sa akin. Sinisigurado niyang maihahatid niya ako sa school bago siya pumasok sa kanyang trabaho. Siya rin ang umaattend sa mga PTA meeting noon. Inintindi niya ako sa kabila ng pagiging aloof ko sa kanya. Hanggang sa unti-unti niyang napalambot ang puso ko. Nakita ko ang pagmamalasakit at pagmamahal sa aming mag-ina na naging daan para malusaw ang kinikimkim kong galit sa kanya. Pinagsisihan ko lahat ng ginawa ko lalo nang malaman ko sa ama ni Ram na silang dalawa ni Mommy ang tunay na nagmamahalan bago pa dumating si Daddy sa buhay ni Mommy.

"Cess?" untag nito. Iyon ang nagpabalik sa wisyo ko.

"Huh?"

"Tinatanong ko kung ano ang plano mo. Bakit ang lalim yata ng iniisip mo?"

"Wala naman. Plano ko lang dumalaw sa puntod nila Mommy."

"Gusto mo bang samahan kita?" alok nito.

"Kailan ba ako nagpasama sayo roon?"

"Okay fine. I understand." sagot nito.

Alam kasi niyang gusto ko mag-isa lang kapag dumadalaw roon. Kinakausap ko kasi ang puntod nila Mommy at ayoko naman isipin ng iba na nababaliw na ako.

Surrender Your Heart (Hidden Agenda)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu