Chapter 1

15K 260 1
                                    

Seven Years Earlier

 

Princess's POV

Unang araw ng pasukan at ayokong mahuli sa klase kaya naman maaga pa lang ay umalis na ako sa bahay. Hindi ko kasi kabisado ang pasikut-sikot ng paaralan. Isa akong transferee. Nasa ikatlong taon na ako sa Kolehiyo. Lumipat ako dahil ayoko nang makita pa ang ex-boyfriend ko. Pareho kami ng school na pinapasukan kaya hindi maaaring hindi kami magkasalubong o magkita dahil hindi naman gaanong kalakihan ang dati kong pinapasukang paaralan.

 That jerk betrayed me. He's been my boyfriend for two years. I never thought he would betray me by having another girlfriend aside from me. He made a fool out of me. I was looking for him when I saw him with another girl. Kung hindi ko pa sila nakitang magkahalikan sa rooftop ng school ay hindi ko pa malalaman. Nagulat ako sa nakita ko. Sa galit ko ay nilapitan ko sila at kinalabit ang taksil kong boyfriend. Nagulat siya nang makita ako. Agad siyang bumitiw sa malanding babae. Sinampal ko siya at sinabing break na kami. Pagkatapos no'n ay tinalikuran ko na siya. Hinabol niya ako at hinablot sa braso para pigilan pero sinampal ko siya ulit nang ubod ng lakas. Nakita kong namula ang mukha nito. Patas lang naman kami dahil naramdaman ko ang sakit ng palad ko. Namula rin ito sa lakas ng sampal ko sa kanya. 

  Umiling ako para alisin sa isipan ko ang mga masasakit na alaalang 'yon.

 Nandito na ako ngayon sa loob ng classroom ng first subject ko. Business Management ang kinuha kong kurso. Buti na lang at halos lahat ng mga subject ko ay na-accredit kaya wala masyadong naging problema ang pag-transfer ko. Nanghihinayang kasi ako sa dalawang taon ko sa dati kong paaralan kaya sinigurado kong sa papasukan ko ay ma-aaccredit ang mga subjects na ginugol ko doon. 'Yung mga hindi naman na-accredit ay balak ko nalang kunin sa susunod na semester. Dalawang taon na lang ay magtatapos na ako.

  Naputol ang pag-iisip ko nang may magsalita.

"You're sitting on my chair." wika nito.

 Nilingon ko siya. Nakasalubong ang mga kilay nito. Teka, Ano daw? Tama ba ang dinig ko? Paanong magiging kanya ang inuupuan ko? Siya ba may-ari ng school?

"Excuse me?" 

"I said, I believe you're sitting on my chair." ulit nito.

  Nawala ang pagkakakunot ng noo nito. Nakita ko kung paano niya ako pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Nagpakawala ito ng malalim na hininga. 

"Never mind." he said before he sat down on the chair next to me. 

"Transferee ka 'no? You don't look familiar. By the way I'm Ramiel Pierre Andrada." He offered his hand for a handshake.

"I'm Princess. Nice to meet you. And yes, I am a transferee." I accepted his hand.

"I thought so. Matagal na ako nag-aaral dito pero ngayon lang kita nakita rito." saad nito pagkatapos ay bahagyang ngumiti. Ngumiti lang ako ng pabalik.

"Pierre! Kanina pa kita hinahanap." sabi ng lalaking kakapasok lang. Napalingon kaming dalawa sa kanya.

 So, Pierre pala ang tawag sa kanya. Kung ako ang tatanungin, I prefer to call him Ram. Mas bagay sa kanya. 

"At bakit? Ano na naman kailangan mo?" iritadong sagot nito. 

"Grabe ka naman, brad. Porke ba hinahanap kita ay may kailangan na agad ako? Hindi ba pwedeng na-miss lang kita?" tugon nito. May ngiting naglalaro sa mga labi ng lalaking kausap nito. 

"Gago!" sagot ni Ramiel. Tumawa  lang ng malakas ang lalaki.

"Well, well, well. Bakit d'yan ka nakaupo? Anong nangyari sa forbidden chair mo?" tanong ng lalaki.

Surrender Your Heart (Hidden Agenda)Where stories live. Discover now