Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.

"Nothing, Mom." I answered.

"Really." sabi niya sa gamit ang ibang tono na madalang kong marinig. "Where have you been?"

"Raven."

I know na hindi siya naniniwala na walang problema. Alam kong alam niya na may dahilan ako.

Nagbuntong hininga ako at naupo sa couch, sa harap niya.

"Nahihiya ako, Mom.." sabi ko. "Nahihiya ako at wala akong mukhang maiharap kay Zoey dahil alam kong kasalanan ko kung bakit nangyari 'yon sakaniya. Kung naniwala lang sana ako.."

Her face softened..

Lumapit siya at hinaplos ang pisngi ko.

"Nak, it's not your fault, okay? Hindi mo kasalanan kung ginawa 'yon ni Grace kay Zoey, okay? So please, please 'nak, she needs you.." she said as she tapped my cheeks. It's her way of comforting me.

She needs you

Biglang pumasok sa isip ko yung itsura niya no'ng nakita ko siyang nakatali. Ang mukha niya at ang mga sugat niya.

Tama si Mommy. She needs me..

Umalis din agad kami ni Mommy para pumunta sa ospital kung nasaan si Zoey.

Pagkarating namin don ay nandoon si Dad sa labas ng room ni Zoey at sinalubong niya agad ako at niyakap. He even kissed my forehead.

I'm so blessed to have them as my parents..

Hinayaan nila akong pumasok mag-isa sa room ni Zoey at nandito rin pala sila Tita, parents ni Zoey.

"Finally.." Tita said and smiled a little.

Tipid din akong ngumiti at humalik sa pisngi niya. Ngumiti naman si Tito sakin.

"She's waiting for you, 'nak."

Tumingin ako kay Zoey. Masaya akong makita na maayos na siya. Alam kong maayos na siya. Naniniwala ako..

"I'm sorry, Tita, Tito.." I said, still looking at Zoey.

Tito tapped my shoulder.

Nagpaalam sila na lalabas muna at naiwan akong nakatayo sa may paanan ng kama ni Zoey.

Marahan akong lumapit sakaniya. I held her hand and gently kissed it.

"I'm sorry. I'm sorry for disappointing you. Sorry kung hindi ako naniwala sa mga sinabi mo. Sorry kung nangyari 'to sayo. I'm really, really sorry, Zoey.."

Nangilid ang mga luha ko nang maalala kung gaano ako minahal ng babaeng 'to. Kung gaano kalaking tiwala ang binigay niya sakin. Nagtiwala at naniwala siya sakin, bagay na hindi ko nagawa sakaniya.

"Sa totoo lang, dahil sa nangyari hindi ko na alam kung paano ko pa papatunayan sayo na mahal kita. You don't deserve me. You don't deserve my love. Hindi mo deserve ang lalaking kagaya ko na hindi kayang maniwala at magtiwala sa mga sinasabi mo."

I wiped my tears.

"Please, Zoey, gumising ka na.. Sobrang namimiss na kasi kita. Gumising ka na kasi naghihintay kami ni Sophia. Kailangan mo pang magpaliwanag sakin so please, wake up, love.."

Tahimik akong umiyak habang mahigpit kong hawak ang kamay niya.

Pinapangako ko sayo, na sa oras na gumising ka, hinding hindi ko na bibitawan ang mga kamay mo.

Hindi ko namalayang nakatulog ako. Nagising lang ako dahil sa marahang paghaplos sa pisngi ko.

Nagmulat ako at mabilis akong umayos ng upo dahil nakangiting nakatingin sakin si Zoey.

"Zoey.."

Oh God!

"Hi, love.." she whispered.

Love..

"You okay? May masakit ba sayo? Do you want me to call the doctor? Your Mom? Your Dad?" mabilis kong tanong, natataranta.

Marahan siyang natawa at pinagsalikop ang mga daliri naming dalawa. Tumingin ako don at mas hinigpitan ang paghawak sa kamay niya.

She shook her head. "I want you."

I smiled at her and gently kissed her forehead.

"Finally, you're awake.." nakangiting sabi ko.

"I heard your voice, that's why.." malambing na sagot niya.

Muli kong hinalikan ang noo niya pati ang ilong niya.

"Sophia's waiting for you.." bulong ko.

"Nasaan na siya? Kamusta na siya? Okay lang ba siya? Nakakatulog ba si—"

I kissed her her lips.

"Don't worry, she's okay.."

Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ko kaya ngumiti ako.

"Wait, I'll call her. Nasa labas sila nila Mom."

She smiled and nod.

Hinalikan ko muna siya sa noo bago ko binitiwan ang mga kamay niya.

Tumalikod at naglakad palapit sa pinto pero agad akong natigilan dahil...

*toooot toooot*

Napalingon ako kay Zoey at nanlaki ang mga mata ko nang makita siyang nakapikit at ang kamay niya ay nakalaylay sa kama.

Tila tumigil ang pag tibok ng puso ko nang mapagtantong tumigil ang pag tibok ng puso niya.

Patakbo akong lumapit sakaniya.

"Zoey!" natatakot kong pagtawag sakaniya.

"Zoey, wake up! Zoey!" patuloy ko pa ring tinapik-tapik ang braso niya at pilit siyang ginising.

Maya maya ay pumasok sila Tita na nagulat din nang makita si Zoey.

"Call the doctors now!" sigaw ko habang nakatingin pa rin kay Zoey.

Baby, no..

"Zoey, anak!" rinig kong sigaw ng Mommy niya at bago pa sila makalapit ay pumasok na doktor at mga nurse.

Natatakot akong lumayo at bumitaw sa kamay ni Zoey para hayaan silang iligtas ang babaeng mahal ko. Ang ina ng anak ko.

Baby why...

Tahimik akong nagdasal sa gilid habang naririnig silang ginagawa ang lahat para kay Zoey.

"Time of death, 12:51 am."

Nag-angat ako ng tingin sakanila at itinatakip na nila sa katawan ni Zoey ang kumot.

"No! Zoey, no!"

My life..

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now