11. Daniel, Kathryn, at si Harry Styles

Magsimula sa umpisa
                                    

“Bave...6 lang. Kalahating dosena lang.”

Aba’t pinipilosopo pa ko nito.

“Ewan ko sa’yo. Umalis ka na nga lang at baka habulin ka ng kutsilyo ng tatay ko dahil hindi talaga ako magdadalawang-isip na sumigaw ng rape pag di mo pa ko tantanan ngayon,” banta ko sa kanya.

“Babe...Wag naman ganito. Pag-usapan muna natin ito. Ayokong ipagpabukas. Hindi kasi ako makakatulog pag nag-aaway tayo eh,” saad niya.

“You know what Deej?”

“What Kath?”

“I feel neglected.”

Ayan. Napatahimik ko rin siya. Napatungo siya.

Agad kong hinawakan ang braso niya at hinila papalabas ng kwarto ko. Tapos hinagis ko sa kanya yung gitara na bitbit ko. “Ayan. Regalo ko sa’yo sa monthsary natin na nakalimutan mo. Salamat ulit hah sa pagkalimot mo sa araw na pinapahalagahan ko ng sobra. Maging masaya sana kayo ng bass guitar mo. Magsama kayo.”

Sinara ko ng pagkalakas-lakas ang pinto. “Kakausapin lang kita pag kamukha mo na si Harry Styles!”

                                                                                      

“Babe!” tawag niya sa akin. Kumatok siya ng kumatok sa pinto ko. “Babe. Sorry na. Please. Alam mo namang hindi ko kaya na galit ka sa akin eh.”

“Sana naisip mo yan bago mo kalimutan monthsary natin!” sigaw ko pabalik.

Bahala siya sa buhay niya.

Nagbihis na ako ng pambahay at tumalon sa kama.

Narinig ko na kumakatok pa rin siya sa pinto ko.

Manigas siya diyan. Wala akong balak na makipagbati sa kanya ngayon.

                                                                  -;-;-;-;-;-

Nagising ako sa lakas ng katok sa pinto ko.

Lechugas na Padilla ito. Hindi ba talaga ako patutulugin?

Binuksan ko ang pinto ko.

“Sinabi ng tigilan mo na ako eh!” sigaw ko sa taong kumakatok.

Pero nagulat ako na si Ate Shannen pala ang kumakatok at hindi si Dj. Ok, ako na pahiya.

Real & Reel (KathNiel One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon