13. Si Mister at si Misis (AU)

9.5K 170 33
                                    

Title: Si Mister at si Misis

Pairing: KathNiel

Genre: Romance/Comedy/Comfort

Dedication: InnocentPen --> :)

Lumingon si Daniel ng marinig niya ang tawag ng kanyang kaibigan na si Diego. Humahangos ito papunta sa kanya at hinihingal.

"Anong problema mo?" kunot-noong tanong ni Daniel.

"Grabe! Kinakabahan ako sa resulta ng exam natin sa Math ngayon. Nahirapan kasi ako eh. Ikaw ba, pare?" tugon naman ni Diego habang kinakapa ang dibdib.

"Akala ko kung ano na...Yan lang pala sadya mo sa akin," saad ni Daniel na napakamot pa ng ulo.

"Sus! Nadalian ka sa exam noh!" nguso ni Diego at nagkibit-balikat. "Kainis! Eh di ikaw na! Patay nanaman ako kay Julia nito. Ayaw pa naman niyang may binabagsak akong exam."

"Naku pare...Ako? Nadalian sa exam? Hindi noh! Baka nga zero makuha ko doon eh..." sambit ni Daniel.

Tumawa ng malakas si Diego. "Hindi naman pare! Hindi bokya yan. Grabe naman kung ganun."

Sabay sila nagtawanan dalawa.

Bigla namang dumaan sa harapan nila ang isang babae na may makapal na salamin at naka-braids na buhok. Morena ito, balingkinitan ang katawan at medyo maliit.

"Buti pa siya, walang kaproblema-problema sa grades," komento ni Diego sabay turo sa dumaan na babae.

"Huh?" naguguluhang ani ni Daniel. Nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa babaeng tinuro ng kaibigan.

"Ano ka ba! Kaklase natin yan, pare! Si Kathryn Bernardo. Ang pinakamagaling na estudyante dito sa school. Siya kaya lagi nating pinanglalaban sa mga quiz contest outside the school," paliwanag ni Diego.

Napatango nalang si Daniel habang sinusundan ng tingin ang dalaga.

                                                            -;-;-;-;-;-

Halos manlumo si Daniel ng matanggap ang exam sa Math.

Grabe naman.

Nag-dilang anghel siya kanina.

Tumataginting na zero ang nakuha niya para sa exam.

Nakita niyang si Diego na halos mangiyak-ngiyak na. Nahuli nitong tumitingin siya at sinabi nito sa pamamagitan ng daliri ang score niya.

30 out of 100 lang naman.

Malungkot pa siya sa lagay na yun. Eh siya nga walang nakuha.

Maya-maya, lumabas na rin ang teacher nila sa Math at ibig sabihin rin nun eh recess na. Naglabasan na ang mga estudyante. Si Diego naman nagpaalam na sabay sila ni Julia na kakain ngayon.

Mangiyak-ngiyak nanaman ito. Sigurado daw kasi siyang katakot-takot na sermon at pingot ang matatanggap niya galing kay Julia.

Nagbuntong-hininga siya. Tiningnan niya ulit ang papel niya.

"Padilla..." sambit ng isang malamig na tinig.

Napatalon siya mula sa upuan niya. Pilit niyang siniksik ang papel niya sa notebook niya para hindi makita ng kung sino man ang tumawag sa kanya.

Lumingon na siya sa nagsalita at laking gulat niya na si Kathryn ito.

"A-Anong kailangan mo?" tanong niya sa nanginginig na tinig.

Real & Reel (KathNiel One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon