10. Reunion with my EX...EX-BEST FRIEND (AU)

10.2K 155 16
                                    

Namiss niyo ba ang Real and Reel? Ako rin kasi eh. :)

Title: Reunion with my EX...EX-BEST FRIEND

Pairing: KathNiel

Genre: Romance, Comedy

Nakarinig ako ng tunog ng alarm clock. Bakit parang kakaiba naman ata tunog ng alarm clock ko ngayon? Inabot ko ang alarm clock na nasa taas ng ulo ko. Bakit parang nag-iba na rin ang pwesto nito?

Tiningnan ko maigi ang alarm clock.

Teka, hindi akin ito ah! Naramdaman kong may yumakap sa akin. Mainit, gumagalaw at hinihingahan ako sa leeg. Kailan pa huminga ang unan ko?

Unti-unti akong lumingon sa gilid ko. Nanigas ang buong katawan ko ng makita ang aking EX...EX-BESTFRIEND. Wala itong pantaas ang nakayakap sa akin. Tumingin ako sa sarili kong katawan. Iba na suot ko. Mukhang sa kanya pa ito dahil lubhang napakalaki sa akin.

Naramdaman kong gumalaw siya at agad kong isinara ang mata ko.

Shet. Shet. Shet.

May nangyari ba sa amin kagabi? Ang tanda ko lang ay nag-inuman kaming magkakaklase dahil successful ang pinakita naming Romeo and Juliet Play nung School Festival. Tapos nalasing ako...at hindi ko na matandaan ang nangyari.

Bumigat ang kama at alam kong dahil umupo na siya galing sa pagkakahiga.

Hinga Kath. Hinga. Wala namang masakit sa'yo di ba? Baka naman walang nangyari sa inyong dalawa.

"Hanggang kailan ka magtutulug-tulugan diyan?" tanong ng isang boses na alam na alam ko kahit hanggang sa panaginip. Boses iyon ni Dj, ang aking EX...EX-BESTFRIEND. Si Daniel Padilla.

Dinilat ko ang mga mata ko at nakita kong paalis na siya sa kama. Ngayon ko lang napansin, wala kami sa hotel, kung may nangyari man sa amin, bakit nasa bahay niya kami? So...may malaking posibilidad na hindi kami gumawa ng kababalaghan kagabi...Dahil mahiya naman siya kung sa bahay pa ng mga magulang niya magkakalat siya ng lagim.

Ay takte lang.

Pinagmasdan ko siya ng pumunta siya sa closet niya at naglagay ng t-shirt. Pagkatapos ay nilingon niya ako. "Bilisan mo diyan. Hatid na kita sa sakayan."

Napaka-insensitive ng lalaking ito. Tumayo ako mula sa kama. Shet. Ang sakit ng mga binti ko, parang di ako makalakad...Ito na ba yun? May ginawa ba talaga kami kagabi?

"Ah...Yung damit ko..." panimula ko sa kanya.

"Nasa labahan...Papadala ko nalang sa bahay niyo pag malinis na. Hiramin mo muna yang akin."

Leche. Parang wala lang sa kanya kung ano man nangyari sa amin kagabi. Lumabas na kami ng kwarto niya. Wala pang gising sa kanila. Paano, puro antukin nasa pamilya niya.

Maya-maya lang naglalakad na kami papunta sa sakayan. Hindi pa rin ako makalakad ng maayos.

"Ayos ka na ba? Nakakalakad ka na ng maayos? Pagod ka pa rin ba sa nangyari kagabi?" sunod-sunod na tanong niya.

Nyemas. May nangyari nga ata sa amin.

"A-Ayos lang ako..." sabi ko sa kanya ng makarating na kami sa sakayan. Nagpaalam naman siya at umuwi na.

T-Teka...Ganun lang yun? Paano kung nabuntis ako? Pero...Hindi pa naman sure na may nangyari sa amin...

Tumingin ako sa kanya na unti-unti ng nawawala sa paningin ko. Kaibigan ko siya. Matalik na kaibigan. Uhm...Dati?

Simula kasi ng pumasok kami sa high school, bigla nalang siya tumangkad at lalong na-emphasize kagwapuhan niya. Tapos nagsimula na rin siyang maglaro ng basketball at naging habulin ng mga babae. Nagyayabang pa nga yan sa akin eh.

Real & Reel (KathNiel One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon