5

972 23 3
                                    

Sana hindi ito panaginip. Sana talaga. Si Mara at Julia sa panaginip ko ay iisa. Sino ba namang mageexpect nun diba?

"Chan-Chan? Kamusta ka na? God knows how much I missed you!" Sabi niya pagkatapos niya akong yakapin.

Chan-Chan? Chacha ang tawag sakin ni Kuya Carlos, pero hindi Chan-Chan. Pareho naman nang tunog... pero Chan-Chan talaga?

Ngumiti naman si Camille kay Mara at bigla niyang hinatak si Mara palayo. Nagbulungan sila, nagulat si Mara sa sinabi ni Camille.

"Hindi niya ba ako naaalala?" Malungkot na bulong ni Mara kay Camille, pero naririnig ko naman. Tumango naman si Camille at niyakap niya si Mara.

She is my best friend. Nalungkot na rin ako nang maalala ko lahat nang moments namin ni Julia Montes. Yung mga biruan namin, yung mga sleepovers, foodtrips, movie marathon, at madami pang bagay.

Kahit na best friend kami sa reality, hindi ko maipagkakaila na masakit sa akin kasi wala akong alam sa samahan naming dalawa. Ang sakit talaga... ewan ko, basta nakakapanikip ng dibdib.

"Makikitulog lang kami ngayong gabi," Narinig ko si Camille habang papalapit sila ni Mara sakin. "pwede ba?"

Pumayag naman si Mara. Walang problema sa kanya na magstay kami rito, ireready na daw niya 'yung guest rooms. Malaki pala talaga 'yung bahay.

"Kumain na ba kayo?" Mara asked.

"Hindi pa eh. Galing kaming West High kanina, tapos diretso kami dito." Camille explained.

Near Western University...

West High? Hindi ko man lang napansin na 'yun ang pangalan nung school. Pero may hawig sa NWU 'yung West High.

"I miss that school so much. 'Yung mga memories na... hindi talaga makakalimutan." Nakita kong tumingin sakin si Mara, may lungkot sa pananalita niya. "Anong ginawa niyo dun?" Inalis na ni Mara ang tingin niya sakin.

"May hinahanap kami. Oh I mean, si Ria, may hinahanap. She found a general address, not the exact one." Camille said.

"I can help!" Mara half shouted in excitement. "Oh my. I have tons of address kasi ako ang kinuha nilang sponsor for the West High Alumni 2020."

2020? Napalunok ako. I quickly check my phone and I saw the date today. June 29, 2021, Tuesday.

Wala akong natatandaan na taon, walang time setting sa panaginip ko. Basta college ako noon at legal age na ako...

"Malapit nang mag alas-kwatro ng hapon, kumain muna kayo bago natin hanapin 'yung address ni Robi."

Robi... for the second time, narinig ko na naman ang nickname ni Robert. I'm really curious about us. Ano kaya ang tawag ko sa kanya noon, Robert o Robi? May term of endearment kaya kami?

Gusto kong malaman lahat nang 'yan without being rude, may asawa na kasi siya. Pag tinanong ko sa kanya 'yun... nakakahiya sa asawa niya.

Kakilala ko kaya si Gretchen? Kaibigan ko rin kaya siya? Wala talaga akong ideya sa kung ano bang mayroon samin noon. At gusto kong malaman lahat 'yun ngayon.

Konti lang ang nakain ko, hindi kasi ako gutom at wala rin akong gana. Buong tanghalian ay iniisip ko lang kung ano ang pwede kong itanong kay Robert pag nakita ko na siya.

Marami akong kailangang itanong... at kailangang malaman.

"Kailan niyo ba balak puntahan si Robert? Sigurado kasi akong mahahanap ko kaagad 'yung address niya." Sabi ni Mara, kumakain pa rin sila habang ako nakaupo dito sa kinauupuan ko.

It might be youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon