32

752 21 9
                                    

Chandria's POV

"Totoo ba na may nagtangkang pumatay sa'yo?"

"Sino itong lalaking kasama mo ngayon, Ria?"

"Matutuloy pa ba ang darating na big fashion show mo pagkatapos ng mga pangyayaring ito?"

Grabe ang dami ng tao nang lumabas ako ng hospital. It was a mess. Yung pagkakabaril ako, nag-cause ng matinding news hindi lang sa bansa since I was a model in several countries.

But it's fine. It's been a week and I can already walk normally. Madaming guards ang naghahawi sa media na binobomba ako ng tanong ngayon. Buti nalang, Daniel never left my side. Since nung tinanggal yung bala sa leg ko, nandito lang siya sa tabi ko. Binantayan niya ako, inalagaan niya ako, and it feels so right.

Alam ko, hindi pa man ako nakakauwi, malaking tanong na si Daniel sa mga tao sa social media. And I don't want to answer their questions about him.

Nang makapasok na kami sa van, napabuntong hininga si Daniel. "Grabe pala, ano? Bago ko palang naranasan 'yung ganun," Napatulala siya saglit tapos tumingin siya sakin. "Sanay ka na siguro, 'no? Pinagkakaguluhan ka ng sobra."

I shrug. "Ilang buwan palang naman since naranasan ko 'to. I can't remember anything, diba?"

"Oo nga pala,"

Daniel has been sweet na since sinabi niya namahal niya ako. I never questioned him about his relationship with Hope. Natatakot ako, eh. Ayokong maging selfish, but... you know, ayoko siyang mawala sakin ngayon. Though, he is not really mine to begin with.

Minsan wala siya sa hospital pero I know why. Maybe he was with his girlfriend that time. Maybe he was fulfilling his duties and responsibilities as Hope's boyfriend. It sucks to think of it like ako 'yung second choice this time, pero... I couldn't ask for more, really.

"Tulala ka na naman," Napatingin agad ako sa kanya. "May problema ba? May gusto ka bang kainin? May masakit ba sayo?"

I just shook my head.

"Oh, anong ikinatutulala mo?"

I pressed his hand, hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. "Basta," I told him. "Mag-usap nalang tayo soon. Basta, not now."

"Sige na nga," Kinurot niya yung ilong ko. "Hindi na kita kukulitin. Kung gusto mo na talagang pag-usapan, sabihin mo lang."

It might be youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon