8

881 30 9
                                    

Siya na talaga 'to. I just can't believe it, maya maya lang ay alam ko na halos lahat tungkol sa sarili ko.

"Robi..." Sambit ni Camille, mahina lang pero rinig naming lahat.

Ito na, mumulat na ako at tumunhay para makita si Robi. Isang matangkad na lalaki, at mukhang magaan na tao ang nakita ko. Oh my God.

"Nandito ka na pala... at---" Napatingin siya sa akin. He's definitely out of words. "Chandria..."

What the hell are you doing here? Aren't we done 4 years ago? Get out.

Bigla kong naalala ang eksena na 'yun noong pumunta si Enrique sa bahay after what happened. I really need to remind myself, it was all just a dream.

This is reality, Chandria. And if reality means you can't remember everything, including your name, but can remember a stupid magical dream... you have to accept it.

This is the real you, Chandria.

This is the real me.

Nakatingin lang ako kay Robert, habang siya parang nakakita ng multo. Is it really unusual for me to be here? They're my high school friends, why is it so shocking?

"We need to talk." I regret it as soon as I said it. I sound like an ex girlfriend trying to get back with her ex boyfriend.

"This isn't about... us, isn't it?" Mahina niyang sabi. Nakita ko ang paglapit at paghawak ni Gretchen sa kamay ni Robi. Hindi sa paraan na anong ibig sabihin nito na paghawak ng kamay, isa itong kailangan ka niya hawak na kamay.

I stood up. Inalalayan ako ni Camille. Unti unti namang nawala ang sakit na nararamdaman ko. "It's about us, Robi."

Nanlisik ang mga mata niya. Hindi dahil sa galit kundi dahil sa pagtataka. Kahit ako, magtataka ako. We are through for God knows how long and I am here wanting to talk to him, take note, about us.

"B-Bakit?"

Tumingin si Camille sakin, nagtatanong ang mga mata niya kung siya na ba ang magsasabi, tumango ako.

"Alam mo 'yung nangyari kay Ria diba? The accident?" Tumango si Robi, hawak pa rin ang kamay ng asawa niya. "Wala na siyang naaalala..."

She continued telling Robi the story. At mukhang naliwanagan naman siya. Napapailing-iling pa siya, hindi niya daw inakala na magiging ganun ang sitwasyon ko.

"Well, you got the right person." Biglang sabi ni Robi. Thank God, I really came to the right person to talk to. "Tara d'on."

Tumayo ako at nagpunta kami sa backyard nila. Maganda rin ang backyard nila, kasing ganda nung frontyard. Umupo kami sa isang pahabang upuan, magkabilang dulo kami.

"Hindi ko alam kung paano ko sisimulan.." Nagbuntong hininga siya.

"Start with us."

"Tama," Tumango siya. "We started off as a typical Freshman and a basketball Junior player. Nakita kita habang nagpapractice kami, nasa isang sulok ka, nagdo-drawing. Tapos yung kaibigan ko, si Lester, sabi lapitan daw kita baka daw matamaan ka ng bola. Eh ang layo mo naman, parang gusto lang nilang lumapit ako. Kaya lumapit ako..."

Then pictures started flashing on my mind. Basketball players, gym court, drawings... Napahawak agad ako sa ulo ko, ang sakit na naman.

"Okay ka lang ba? I'll---"

"No. Ituloy mo lang. Nangyayari 'to tuwing nakikita o naririnig ko na sa isip ko ang mga nangyari na noon..." I tried so hard para masabi ko 'yun ng maayos.

It might be youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon