7

862 21 1
                                    

"Nagsasawa ka na sa ganito?! Oh sige! Bakit hindi mo nalang aminin na hindi mo na ako mahal?"

"Mahal kita, Robert. Sobrang mahal kita at alam mo 'yan! Pero kung araw araw lang tayong magaaway, huwag na lang nating ituloy 'to!" Sigaw ko sa lalaki sa harapan ko habang nandito kami sa basketball court sa loob ng gym.

"Yan kasi ang problema sayo, lagi ka nalang sumusuko pag may ganitong problema. Hindi ako nambababae, naiintindihan mo ba? Ikaw lang ang babae sa buhay ko kaya pwede ba?! Itigil mo na 'yang pagsigaw sigaw mo!" Patuloy kaming nagsisigawan dito at nageecho pa ang bawat salita sa isip ko at dito sa gym.

Bigla akong nakarinig ng yabag, papasok dito sa gym. Lumingon ako at nakita ko si DJ. DJ!

"Uuwi na tayo." Sabi ng lalaking sumisigaw kanina at hinawakan ang kamay ko. Masyadong mahigpit.

"Ano ba, nasasaktan ako. Bitawan mo ako!" Pero hindi niya ako binitawan. Hinihila niya ako palabas at nasasaktan na talaga ako sa mahigpit niyang pagkakahawak. "Bitawan mo ako! Ano ba! Nasasaktan ako!" Sigaw ko.

"Pare, ano ba, nasasaktan na si Cha. Bitawan mo na." Si DJ, lumapit sa aming dalawa.

"Makikialam ka na naman?" Binatawan ako ni Robert pero bigla naman niyang sinuntok si DJ. Napaupo si DJ sa lakas ng impact.

"Ano ba! Tumigil ka nga, Robert!" Sabi ko at nilapitan si DJ. "Pasensya ka na. Sorry talaga..."

"Wala 'yun, Cha. Basta ikaw." Sabi niya at tumayo siya para yakapin ako. Nagulat ako dahil niyakap niya ako, hindi naman siya pala-yakap. Lalo na't kabarkada niya ang boyfriend ko, medyo seloso pa naman.

Masyadong mabilis ang sumunod na pangyayari. Habang nakayakap si DJ sakin ay bigla niya akong inikot at biglang nawala ang pagkakayakap nya.

Nakita ko nalang ulit siya nang lumingon ako at nakita siyang nakatumba sa sahig ng gym.

**

"Chan-Chan! Oh, my God. Okay ka lang ba? Sumisigaw ka habang natutulog ka!" Sigaw ni Camille sa akin. Nakatulog pala ako.

Nakatigil ang sasakyang sinasakyan namin sa tabi ng kalsada. Naitigil niya yata ang kotse dahil nananaginip ako. Panaginip ba talaga 'yun? Parang totoo siyang nangyari! Pero hindi ko na maalala ang mga tao na nakita ko, medyo blurry at hindi malinaw.

"Nanaginip ka ata ng masama, Chan-Chan." Sabi ni Camille at pinunasan ang pawis ko gamit ang kamay niya. Tinawag niya ulit akong Chan-Chan, kakaiba talaga sa pandinig.

Umiling ako, hindi dahil humihindi ako, napailing lang ako. "Kailangan ko na talaga siyang kausapin, Camille." Hinihingal kong sabi sa kanya. Para akong naubusan ng hininga kahit hindi naman ako tumakbo o gumalaw.

"2 kilometers away nalang ang bahay nila. I just stopped because I heard you, you were half shouting already! You made me really nervous, Ch--- Ria." Mula mabagal at mahinahon ay unti unting bumilis ang pananalita niya. Nakita ko rin ang luha na malapit nang tumulo mula sa gilid ng mga mata niya.

"Sorry..."

She forced a smile. "Natakot lang ako kasi may namamatay sa masasamang panaginip eh. Ayokong mawala ka ulit samin, Ria." Saad niya.

Hindi ako nakapagsalita agad. Naririnig ko ang paghinga naming dalawa sa loob nitong kotse, sobrang tahimik. I pressed my lips together.

"Don't worry, I don't want to leave all of you either." Sabi ko sa kanya. Pero kulang ang mga salitang bibitawan ko.

It might be youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon