"A-alam mo ang lahat nang ito Jevier?" Kahit alam ko ang sagot, gusto kong tanungin, gusto ko sa kanya mismo manggaling.

Tumungo ito para di niya salubungin ang titig ko. "O-oo. Sorry Kath." Huminga ako bg malalim.

"All this time! Pinaglalaruan niyo lang akong dalawa?!" Sigaw ko sa kanilang dalawa. Nanatili silang tahimik. Wapang sumasagot.

"Bakit? Ha? Bakit? Anong mapapala niyo sa panloloko niyo sa akin? At ikaw?—" Turo ko kay Ranz "—Never akong pumayag na tulungan mo ako! Never akong nagpatulong sayo! Never! Anong karapatan mo?!" Tumingin lang ito sa akin.

"Bakit ba ayaw niyong magsalita?!" I know na nagiging hysterical na ako dito pero I don't care. Nasasaktan ako! Ang sakit! Sobrang sakit!

"Pinakausapan ko si Ranz. Alam kong may gusto ka sa akin Kath. Kaya pinakausapan ko siya na iligaw ang nararamdaman mo sa akin dahil di ko kaya yan suklian. Mahal na mahal ko si Aira noon pa. Sorry Kath."

Nabingi ako sa dahilan niya. What? What the hell did he just said? Bakit? Bakit niya kailangang gawin yon?

"Bakit mo kailangang gawin yon. Kung mainlab ako sayo, sa akin na lang yon, sa akin ang problema kung hindi mo masuklian. Di ako martyr pag di ako mahal ng isang tao. Anong karapatan niyong guluhin ang buhay ko? Na pa-ibigin ako? Para lang mabaling sa iba yung pagmamahal ko? Wala! Wala kayong karapatan! Cause I don't care about your personal life so you don't care about mine!" Mahabang lintaya ko. Hingal na hingal ako. Ang haba ng sinabi ko buti di ako nabulunan.

"What's happening here?" Napapikit ako ng marinig ang boses ni Cheeny.

Shit naman! Bakit ba sumunod pa yan? Lalo lang akong masasaktan! Ano bang meron sa Cheeny na yan na wala sa akin!

Tangina!

"Wala babe. We are just clarifying some things." Rinig kong sabi ni Ranz, kay Cheeny.

Babe daw? Babe din tawag kay Cheeny? Walanghiya naman! Hanggang anong oras pa ba kami dito? Gusto ko nang umuwi at doon magmumumukmok.

Tiningnan ako ni Cheeny bago lapitan si Ranz. Niyakap ni Cheeny ang braso ni Ranz at hinimas himas.

"Let's go back? Hinahanap na tayo ni Mom." Tumango si Ramz at nagsimula na silang lumakad pabalik.

Naiwan akong mag-isa dito sa damuhan. Iyak ako ng iyak. Di ko matanggap na ganto na lang nangyari sa amin. Di ko matanggap na pinaglaruan lang nila ako. Di ko matanggap na ganon ganon lang.

Two years! Two fucking years Ranz! Ang sakit! Sobra!

Tumayo ako kahit nanghihina pa ang mga tuhod ko. Ang sakit ng mata ko. Alam ko na namamaga na ito. Lumakad ako papasok ng Hidden valley. Pumunta ako sa pwesto nila ate Elvie na nag-aayos na ng mga ililigpit.

"Oh bakit ang tagal mo Kath? Na wala ka sa upuan mo kanina."

"Nagpahangin lang po sa labas, diyan po sa may golf area." Tumango ito.

Tumulong na ako sa pag aayos nila. Dinala na namin sa mga sasakyan pauwi. Nang matapos at hindi na ako pinatulong ni Ate Elvie ay sumakay na lang ako sa sasakyan para maghanda na pauwi.

Nakatingin lang ako sa bintana kung saan tanaw na tanaw ang mga ilaw sa party. Masaya akobg pumunta dito kanina pero ngayong uuwi na ako... Sana di na lang ako sumama kung alam ko lang na ganito ang mangyayari.

After an hour, nakauwi na kami. Namaalam na ako kay Ate Elvie na uuwi na sa bahay.

Pagpasok ko nang bahay ay bigla kong naalala ang mga ginawa namin ni Ranz dito. Mula sa kusina, sa salas, sa upuan ng dinibg area, sa lamesa doon, sa second floor kung saan biya ako ginigising, sa gitna ng bahay kung saan niya ako hinalikan. Lahat ng iyon nauwi na lang sa wala.

Naglinis ako ng katawa kasi feel ko ang lagkit lagkit ko na. Naghilamos na rin ako pero kitang kita na ang pamamaga ng mga mata ko.

Humiga na ako sa kama at doon nag isip. Kinuha ko ang cellphone ko at pumunta sa gallery kung saan may sarili pang album si Ranz. Inisa isa ko ang mga pictures doon kaya nagsimula na naman akong umiyak.

Sayang Ranz! Sayang!

Dinelete ko ang mga pictures doon ni Ranz pero alam ko na mababalikan ko rin yon kasi di ko kayang idelete sa trash. Binaba ko ang cellphone at nagdisisyon nang matulog.


Sa Hidden Valley kami nagsimula, di ko alam na sa Hidden Valley din kami magtatapos.

___________________

Tonyjade.

ALS1: Tears In Hidden Valleyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें