Chapter 14.1.2

229K 4.8K 350
                                    

CHAPTER 14.1.2

DALTON ACE's POV

Holy fck! I think I am going to die! Tinutop ko lang ang noo ko at pakiramdam ko ay sasabog na talaga ako! Nagmamadali akong bumangon sa kama at diretsong sumuka sa bowl. Hang over! This kind of feeling is a killer! Sobrang sakit ng ulo ko at parang sasabog! Shit!

Napaupo ako sa gilid ng bowl at hinang-hina na napasandal sa tub. Huh? Where am I? Nakuha ko pa bang mag-motel? Shit!

"So, uulit ka pa?" Napaigtad lang ako sa gulat nang makita kong nakatayo si Chance sa gilid ng pinto. Saglit kong iniikot ang paningin ko sa paligid. Thank God! Nasa bahay niya ako!

"W-what happened?" Pinilit kong tumayo at lumapit sa faucet para magmumog at maghilamos ng mukha. Somehow I felt relieved na naisuka ko ang ininom ko kahit na ang hapdi ng tiyan ko.

"You don't remember?" Nakangisi pang tanong niya. Saglit akong nag-isip pero wala talaga akong maalala.

"Nope." Bahagya pa akong umiling at kinuha ang tuwalyang nakasabit sabay punas sa mukha ko. "May dapat ba akong maalala?" Kumunot ako at mas lalong lumaki ang ngisi niya.

"C'mon. Mag-breakfast ka muna." Nakangisi pa ring sabi niya sabay lakad palayo. "I'll see you downstairs." Pahabol pa niya sabay kabig sa pinto pasara.

Fck! I hope hindi ako nakipag-sex in public! Shit! Patay ako kay papa nito kapag nagkataon! Damn it!

After ko makapagpalit ng damit na inilagay ni Chance sa bed ay nagdiretso na ako pababa sa kusina. Agad na nahagip ng mga mata ko sina Chance at Kirsten na nagmemake-out session sa gilid ng sink habang panay ang impit na hagikhik ni Kirsten. Jeez, gan'un ba talaga? But I am proud of these two. At least may happy ending sila kumpara kay Ty na lugmok pa rin ngayon. Though I heard he's dating Tiffany which I doubt if seryosohan na or what. Kay Jordan lang naman umikot ng gan'un ang mundo niya.

"You guys should get back to your room. Dinudumihan ninyo ang kusina." Sabay pa silang napatingin lang sa akin at nakangisi lang si Chance na humiwalay sa asawa niya.

"You'll soon be like us, Ton... if you'll be lucky." He smirked sabay umupo sa katapat kong upuan.

Nakahain na ang simpleng breakfast sa table at naupo na rin si Kirsten sa tabi ng asawa niya. I must say, Kirsten is really beautiful even if she have a huge bulge on her belly. Hindi ko lang siya pinormahan noon dahil alam niya ang likaw ng bituka ko. And yeah, probably Tyrone would kill me if I did make a move on her.

"By the way..." Si Kirsten na may kung ano pang dinukot sa kanyang tagiliran sabay abot sa akin. Cellphone?

"This is not mine." Bahagya pa akong umiling at napatawa lang silang dalawa.

"Dumaan dito si Vaughn kaninang umaga. Ibinigay niya ang phone na 'yan at nasusuka raw siya sa pinaggagawa mo kagabi." Humahagikhik pang sabi lang ni Kirsten habang iiling-iling na kagat naman ni Chance ang labi niya. What the hell?

"Am I going to die after I watched this?" Halinhinan ko pa silang tiningnan at alanganin namang napatango si Chance.

"That depends on how you will take it, Ton."

"You're pvssy whipped! Finally!" Humalakhak pang sabi lang ni Kirsten at lalo lang akong naintriga.

Binuklat ko ang cellphone ni Vaughn at tiningnan ang latest video niya. Holy Shit! Nalaglag ang panga ko habang pinapanood ang video at nakamata sa akin ang dalawa. Naglaro ang ngiti sa kanilang labi at hindi ako makapaniwalang totoo ang lahat kagabi.

"I never thought you can sing, Dalton." Si Kirsten. "You've done a pretty good job there." Sabi lang niya at ipinagpatuloy ko lang ang panonood.

I was quiet the entire time and I felt kinda embarrassed because none of them heard me sing. I thought I sucked... but now! Whew! I am hella good!

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Where stories live. Discover now