Sa huli ay siya nga ang nasunod, medyo nangangalay na kasi ako sa bigat ng kyotang si Frank kaya wit na rin nag-inarte ang lolabes ninyo. Bukas na bukas rin ay isasalang ko na ang majubang kyotang ito sa bukid, oras na para magkaroon naman siya ng silbi sa amin.

Charot! Baka ako pa ang itanim ni bossing 'pag nagkataon.

"Francis, ijo? Ikaw ba 'yan?! Jusko ang gwapo-gwapo mo ng bata. Na-miss kita. Sobrang tagal na ng huli kitang makita." Ang masayang salubong ni lola sa amin nang marating namin ang bahay.

Hay naku, la, kung knows niyo lang. Hanggang sa fezlak lang ang pagiging chopopo niyan.

Mahinang tumawa si bossing at umiling. "Thanks, nay. I brought you a lot of pasalubongs. I don't know if you'll like it though."

Dumiretso ako sa kusina na kaharap lang naman ng salas namin para kumuha doon ng tubig.

"

Aba'y hindi ka na sana nag-abala. Hanggang kailan ka naman mananatili dito, ijo?"

"Sisiguraduhin ko po munang cleared at secured na ang bahay na lilipatan namin sa Manila bago ko po iuuwi doon ang mag-ama ko."

Masyado akong nabigla sa sinabi niya, hindi ko tuloy nalunok ng maayos ang tubig. May tubig pang lumabas sa ilong ko. Fountain ka girl?!

"Fuck, yucks!"

"Tangina naman, ba't may dala 'yang sipon?"

Malakas akong umubo-ubo para mapakalma ang sarili ko bago inisa-isang tiningnan ang mga demonyon dahilan ng paghihirap ko ngayon. May gana pa silang mag-inarte?! My ghad ha! Mas clear pa nga sa tubig itong sipon ko.

"Okay ka lang ba, ijo? Magdahan-dahan ka kasi sa pag-inom. Madami pa namang tubig sa ibaba."

"Ang sarap po kasi ng tubig niyo, la. Lasang tamod."

"ANO?!"

"Hesus, Ginoo ko!"

Sabay-sabay pa silang napasigaw sa sinabi ko. Ang OA ha? Ano bang masama sa sinabi ko? Hindi ba't tamod 'yong tawag sa spring water dito?!

"Bakit? Di ba tamod po 'yong tawag sa spring water, la?"

"Gago, tubod 'yon." Ang sabi ni Gavin.

"Gan'on ba? AHAHAHA. Mali pala 'yong tinuro sa akin ng mga customers ko. Sa susunod kakausapin ko sila." Isang matamis na ngite lang ibinigay ko sa kanilang lahat.

"Ikaw talagang bata ka, masyadong loko-loko."

Muli kong tiningnan si bossing na nakangiteng demonyo sa akin. Tuwang-tuwa?! Inirapan ko na lang siya saka lumabas ng baluret.

"Where are you going?!" Ang sigaw niya mula sa bintana.

"Sa lugar na wala ka!" Ang nabwi-bwiset kong sagot sa kanya saka nagpatuloy sa paglalakad.

Pupunta ako kila Maricel at baka umuwi sila. Sasama ako papunta sa barbecue-han namin. Baka ma-sight ko ulit ang future banana ko mamaya. Kailangan kong magpa-impress sa kanya.

"Where the hell are you going? Kakauwi ko lang ta's iiwan mo kami ng anak mo dito?" Hindi ko napansing nakasunod na pala siya.

Lumingon ako sa kanya saka ko siya inikutan ng mata. "Arte-arte mo naman. Mamamatay ka ba kapag umalis ako ha?! Doon lang ako sa barbecue-han. Magtitinda ako para may kakainin tayo. Madami pa tayong utang na babayaran dahil sa mga bisyo mo. Babae, sugal, alak, sigarilyo. Nagkanda-utang-utang na tayo dahil sa halip na ikaw ang magpadala sa amin ng anak mo, ako pa ang nagpapadala sa'yo doon sa Hawaii. Tapos malalaman ko lang na may babae ka?! Kailangan ko pang bumili ng gatas at mga gamit ng sampung anak natin, Boyet. Tapos ngayon tatanuning mo ako kung saan ako pupunta? Bakit? Saan ba ako pupunta sa tingin mo? Ha? Sa lalaki ko?"

JB5: Set Me Free, Mr. Businessman [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon