Chapter 37:Amnesia? 1

Magsimula sa umpisa
                                    

"Yung babae?" Tumango naman si Clint."Dinala nila Mae sa lumang building, duguan na,Bilisan nyo kaylangan na nya kayo"Walang sabi sabi ay biglang tumakbo si Clint at tumakbo narin kami.

"Shit!Shit!"sabi ni Mike.

"Fuck!"halatang galit na sabi ni Clint.

"Humanda talaga sila sa akin!"sabi naman ni Jack

"Babalatan ko sila ng buhay at itatapon ko sila sa dagat!" Kinakabahan kong sabi.

Nang makarating kami sa lumang building ay nakita namin kung gaano karaming estudyante ang nasa loob,habang sumisiksik kami ay narinig ko ang boses ni Mae.

"Akin lang sila!" Sabi nya.

"Walang sayo!Babaeng higad na may makapal na make up at anak ni Flash" narinig ko ang nanghihinang boses ni Princess.

"Akin ang Section Eleven!" Galit na sabi ni Mae.

"Kahit kelan hindi sila magiging sayo.Ayaw ng Section Eleven sa higad na tulad mo"Mahina pang natawa si Princess.

Nakita kong itinaas ni Mae ang hawak nyang tubo bago pa ako makasigaw ay napukpok na nya sa ulo si Princess. Unti-unting kumukuyom ang mga kamay ko.

Hahampasin pa sana uli ni Mae si Princess pero hindi si Princess ang nahampas nya.

" Clint? "Bulaslas ni Mae.

Nakaharang si Clint kay Princess dahilan para sya ang mapalo.Nang nasa unahan na ako ay agad akong lumapit kay Princess na ngayon ay wala ng malay.Kinuha ko sya kay Clint at binuhat.

Tumayo si Clint at lumapit kay Mae na ngayon ay may Natatakot na.

" WHAT ARE YOU DOING TO HER!?"galit na sigaw ni Clint kay Mae habang hawak hawak nito sa kwelyo.

"Binabawi ko lang ang akin.Binabawi ko lang kayo sa kanya.Binabawi lang kita sa kanya" sabi ni Mae sabay hawak sa magkabilang pisngi ni Clint.

Unti-unting lumalapit ang mukha ni Mae kay Clint,lumuluwag narin ang pagkakakapit ni Clint kay Mae.

Hindi man lang ba nya pipigilan si Mae?

Nagulat ako ng biglang bumagsak sa sahig si Mae at nakatulog. Pagtingin ko ay agad na nanlaki ang mata ko dahil nakatayo na si Princess sa tabi ni Clint.

P-paano sya napunta dyan?

Nagka titigan muna sila ni Clint ng ilang segundo hanggang sa bumagsak na si Princess at agad naman syang nasalo ni Clint.Nawalan na ng malay si Princess.

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon