sayang c9

13 0 0
                                    

ok na siguro to.

**************************

Kasama nya ngayon si Anne sa loob ng kotse nya. Tinatahak nila ngayon ang daan pauwi sa bahay nito. Ipinangako nya kasi na ihahatid nya ito gamit ang kotse nya. Inihatid muna nila ang ibang mga kaibigan nila sa terminal ng mga jeep na sasakyan ng mga ito.

Inihabilin din ni Trey si Anne sa kanya. Mag-bonding daw muna sila ni Anne dahil ngayon na lang daw ulit sila nagkita at di pa masyadong nakakapagusap. Nami-miss na daw sya ni Anne masyado.

Tahimik lang silang dalawa sa loob. Lagi namang ganun. Hindi naman madaldal si Anne kapag wala itong ikwekwento.

Magsasalita na sana sya nang magbukas ito ng paguusapan.

“I have something to tell you,” sabi nito. Agad naman syang nacurious.

Hinayaan lang nya itong magsalita.

“We were in our second year in college when you became my crush. Second semester ata yun. It lasted for almost a year. And my reason for having a crush on you is because you smell good.”

Napakunot ang noo nya. “Anu ba yang crush na yan? Joke?”

“I’m serious kaya. Kaya ko nga tinigilan ang pagkakaroon ng crush sayo dahil napifeel ko na masyado na yatang seryoso ang pagkakaroon ko sayo ng crush.”

Ang gulo nito. Tumigil dahil seryoso na? So joke nga ang pagkakaroon ng crush sa kanya? Crush lang naman ah.

Huminto ito sa pagsasalita kaya naman nilingon na nya ito. “Ituloy mo na,” utos nya.

Nang may maisip syang itanong dito. “Why did you stop on having a crush on me?”

Napalunok sya sa tanong nya na iyon.

Sasagutin kaya ni Anne yun?

Napansin nyang nakatingala ito at nakatulala sa kisame ng kotse.

“I stopped because I don’t want to lose you. You are a great friend, Mac.”

Awkward.

So that’s it.

Para kay Anne, mas matimbang ang pagkakaibigan nila kaysa sa damdamin nitong wala namang seguridad.

“O ayan. Wala na kong sikreto sayo ha.” Biro nito.

“May tanong pa ako.” Sabi nya.

“Sige, magtanong ka na. Pagbibigyan kita ngayon.”

Huminga muna sya. “Anong nagustuhan mo sakin?”

Tila nagisip muna ito. “Ewan ko.”

“Ewan ko?”

“Hindi ka naman gwapo. Hindi ka din mabait. Nabulag ata ako.” Anito at tumawa pa.

“Nilalait mo na ako nyan eh.” Reklamo nya.

“Sa una, attracted nga ako sayo dahil ang bango bango mo. Pero nililinaw ko na hindi ako nagkagusto sayo dahil sa itsura mo. Siguro dahil sa mabait ka sakin. Uto-uto ka kasi eh. Tapos hindi ka nagrereklamo pag inuutusan kita or may hinihinging favour. Ay mali. Nagrereklamo ka pala. Pero ginagawa mo pa rin naman kaya ok lang.”

Wala na syang masabi pa.

Ok na siguro yun.

“On the second thought. Basta. Basta nagustuhan na lang kita. Wala namang reason talaga sa ganung mga bagay. Dahil ang pagibig ay nararamdaman, hindi iniisip.”

“Kailangan ko bang matouch?” asar nya rito.

“Wag na. Maaasar lang ako sa mukha mo.”

Dumaan ang may katagalang katahimikan. Wala na syang masabi eh.

sayangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon