sayang

28 1 0
                                    

eto ang unang lakas loob na ipabasa sa ibang tao. hahaha.

sana maappreciate kahit paano. :)

-------------

“May ikwekwento ako sayo mamaya,” sabi ni Anne sa kanya bago ang simula ng klase.

Sa kadaldalan ng taong ito naikwento na yata nito ang lahat ng pwedeng ikwento, nasabi na ang lahat ng pwedeng masabi sa mga bagay-bagay at kung anu-ano pa. Magkaiba man sila ng barkada ay may mas alam pa ata sya kesa sa mga totoo nitong kabarkada.

Ano na naman kaya ang sasabihin nito sa kanya?

Pagkatapos ng klase ay pinuntahan nya agad ito para alamin kung ano ang sasabihin nito. Aminado sya na ang mga lalaki ay may pagkatsismoso ng kaunti.

“Ano yung sasabihin mo?” tanong nya habang nagpapaypay.

“Marami,” at pagkatapos ay tumawa ito.

Tapos ay ngumiti hanggang sa walang mangyari.

Wala naman ata talaga itong sasabihin na matino.

“Ano ba yan. Tumawa ka lang,” nakakunot na ang noo nya.

“Wag ka nang mainis,” at inakbayan pa sya nito.

“May crush ako ngayon,” sabi pa nito pagkatapos ay tumawa na parang kinikilig.

Si Anne ba talaga ito? Nakakapanibago.

Kinuha nito ang kamay nya hanggang sa maging holding hands na pa-sway-sway pa.

Napatingin sya sa likod ni Anne dahil may tao na silang kasama.

“Uy ano yan?” tukso ng bagong dating nilang kaklase na si Trey.

Pinakawalan ni Anne ang kamay nya. “Selos ka naman?” sakay nito sa joke.

“Lagi ka naming ganyan eh. Kapag andyan na si Mac hindi mo na ako pinapansin,” at tumabi pa it okay Anne at kinuha ang kamay nito.

“Huwag kang mag-alala Trey. I am loyal to you.” Patuloy ang sakay nito sa mga bira ng lalaki.

“Hindi pa nga tayo, nanlalalaki ka na agad.”

Hindi nya alam kung matatawa o maaasar sa palitan ng punchline ng dalawa.

Sa harap nya pa talaga naglandian ang mga ito. Mga toyo.

Pero trip nyang patulan ang trip nito.

“Wag ka ngang makialam saming dalawa. Kita mong nanliligaw ako eh. Sa iba ka dumiga ng mga korni mong linya,” kinuha nya ang isang kamay ni Anne.

“Una ako sayo. Sasagutin ko na sya.” Tumingin ito kay Anne.

“Sinasagot na kita. Tayo na ah.” Pinagsalikop nito ang kamay nito at ng babae. “See? Kami na!”

Natatawa na sya sa kalokohang ito.

“Tama na nga. Hindi tayo Trey. Mahal ko si friend Mac.”

“Ouch! I hate you.” Umalis na si Trey habang tumatawa.

Nakakunot ang noo nya. “Kapag sasabihin mong mahal mo ako, sabihin mo sa akin. Hindi sa harap ng ibang tao.”

“Ha?” Hindi nito narinig ang sinabi nya.

“Wala,” dismiss nya. What was that? Oh heck!

“Hoy!” tawag nito sa kanya.

“Ano?”

“Love you.”

Natigilan sya. Ngayon lang sya sinabihan nito ng ganoon.

“Pero ang cute talaga ng crush ko. Ang astig pa nya. At matalino.”

Sira na ang moment.

*************

:)

sayangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon