“Saan tayo?” tanong ni Reena na ang tinutukoy ay ang upuan nila. Sandali siyang tinitigan ni Kylo dahil nakita nitong nakatayo lang siya sa labas kanina ngunit nang makitang umaakto siyang parang normal lang ang lahat ay hinayaan na lang din siya nito.


“Follow me,” sagot ni Kylo at sinundan nga siya ni Reena pagkabigay ng ticket sa kumukuha nito.


“Anong ginagawa mo roon?” tanong ni Kylo pagkarating nila sa upuan nila. Hindi niya napigilan ang sariling magtanong.

“Wala, akala ko nawala ko ticket ko,” pagsisinungaling ni Reena at uupo na sana nang makitang may kasama pala sila.


“By the way, this is Pete,” pagpapakilala ni Kylo sa isa sa mga lalaking nakita ni Reena.


Sandaling natigilan si Reena nang makitang guwapo ang lalaking pinakilala sa kaniya. Actually, he’s the right combination of handsome and cute.


“You’re lucky he’s not eating anything right now because food is not allowed in here,” dagdag pa ni Kylo kaya napakamot sa ulo si Pete.


“Oh, wait! You remember Runaway Romeo? He’s their drummer,” saad ni Kylo nang maalala ito na ikinagulat naman ni Reena.

“Talaga?” hindi makapaniwalang tanong ni Reena pagkalingon kay Pete. Mukhang nahiya naman bigla si Pete at napangiti na lang kaya medyo kinilig si Reena. Ang cute niya ngumiti!


“And this one is Sebastian,” pagpapakilala ni Kylo sa isa pang lalaking katabi ni Pete.


Napaisip si Reena kung saan nga ba niya nakita ang lalaking kakapakilala lang sa kaniya. He’s very familiar. Pareho sila ni Pete na pamilyar ang mukha sa kaniya pero mas pamilyar ang mukha nitong Sebastian. Saan ko nga ba siya nakita noon?


“They’re both my teammates,” ani Kylo at parang may bumbilyang umilaw sa ulo ni Reena.


“Ikaw si Buknoy!” sabi ni Reena kay Sebastian at tinuro pa ito nang maalala na niya kung saan niya ito nakita.


Napatakip na lang si Sebastian sa mukha niya dahil sa kahihiyan at natawa naman sina Pete at Kylo dahil napagtripan lang itong si Sebastian kaya ‘Buknoy’ ang nakalagay sa jersey nito.


“Kai, dummkopf.”


Napalingon si Reena kay Kylo nang hindi niya naintindihan ang sinabi ni Sebastian.


“He probably cussed in German or Italian and since he mentioned Kai, he probably cursed him because he’s the reason why he used Buknoy in his jersey. Kai said Buknoy means handsome,” kuwento ni Kylo kaya natawa si Reena.


Obvious naman sa itsura ni Sebastian na hindi ito Pilipino. His hair is blonde and his eyes are gray.


“He cusses in three different languages,” sabi pa ni Kylo.

“Yet, he still can’t talk in straight Filipino,” dagdag ni Pete kaya nagtawanan sila. Napailing na lang si Sebastian.


“Levi, dito.”


Napalingon si Reena sa tinawag ni Kylo at nakita si Levi na napahinto sa paglalakad nito. Nang makita ni Levi sina Kylo ay pumunta na nga siya sa mga ito.


Umupo si Levi sa tabi ni Reena kaya naman biglang bumilis ang tibok ng puso ng dalaga. Sandali siyang nabato sa kinatatayuan niya nang maramdaman niya ang hangin galing kay Levi buhat ng pag-upo nito.


“Reena, upo na. Magsisimula na,” bulong ni Kylo kaya napalingon si Reena sa kaniya at naupo na nga.


Nang magsimula na ang musical, hindi napigilan ni Reena na mamangha. Ngayon lang siya nakanood ng musical dahil tuwing may palabas ang theater club ay mahal ang tickets nito at ngayon ay alam na niya kung bakit.


Rewrite The StarsWhere stories live. Discover now