Napangiwi naman siya ulit sa'kin dahilan para mas lalong lumakas ang tawa ko. Mukhang ayaw nga niya. "Ayaw ko po."

"But why?" I cleared my throat. "Maganda ka naman Kai, at mas lalo ka pang gaganda kapag lumaki kana."

She just shrugged her shoulders. "Not interested. I want a peaceful life ninang."

Napailing na lang ako. Mukhang desidido na siya sa pagiging doctor niya.

"I want to help other people like what mama Achi did." She sincerely said.

Hindi ko naman napigilan ang pagngiti ko. Talaga ngang maganda ang pagpapalaki ng kapatid kong iyon sa anak niya.

Sana all talaga.

"Okay okay, ninang will support you."

Saglit lang siyang lumingon sa'kin para bigyan ako ng matamis na ngiti bago niya ibalik ang atensiyon sa saranggolang hawak-hawak niya. 

"Alam mo ba ni-..."

"Hello po."


Halos sabay pa kami ni Kai na napalingon sa pinanggalingan ng boses na yun. Isang batang babae lang ang bumungad sa'min ng inaanak ko.

Isang cute na batang babae.

"Ahm, hi." Alanganing tugon ko.

"What are you doing po?" Walang kapreno-prenong sagot niya.

"Hindi ba nasabi sayo ng mommy mo ang katagang don't talk to strangers?" Kai said, all of sudden.

My mouth shaped an 'O'. Wow lang. Ayan na, nagsusuplada na naman po siya.

"Hi, what are you doing po?" Pag-uulit na tanong naman niya sa'kin.

"Nagla-.."

"Hey! Notice me kiddo!" My niece cut me off.

At sa kauna-unahang pagkakataon, nilingon siya ng batang kausap namin ngayon. "Oh sorry, but my mommy told me, don't talk to strangers." Awit. Attitude siya sis.

Pigil ang ngiting ginagawa ko ngayon. Alam kong mali, pero nakaramdam ako ng kilig sa dalawang bubwit na 'to. Jusko.

Bago pa mapunta sa kung saan ang pagsasamaan ng tingin nila, agad na akong pumagitna. "Nagpapalipad kami ng saranggola." Nakangiting sagot ko. "Gusto mo ba subukan?"

"Oh my! Re-.."

"But ninang!" Muntik pa kong atakihin sa puso dahil sa gulat ng biglang sumigaw ang batang ito. Jusko. "Ayaw ko po ipahiram sa kanya 'tong kite ko."

"Edi don't."

Literal na umawang ang labi ko. Teka lang ah, bakit ba ang init ng ulo nila sa isa't isa?

"Wag kayo mag-away." Mahinahong pag-awat ko. "Mas-.."

"JELAN!"


Napakunot noo ako. Alam ko, alam na alam ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na yun. Ramdam ko, ramdam na ramdam ko.

"Gosh Jelan. Diba sabi ko wag kang lalayo sa'kin?"

"Mommy."

Sunod-sunod ang paglunok na nagawa ko ng tuluyan ng makalapit sa pwesto namin ang boses na yun.

Napahinga na lang ako ng malalim para kalmahin ang sistema ko bago buong tapang na nilingon ang nagmamay-ari ng boses na yun.

And there she is, standing infront of me.

Bella Amor Historia: Cristina Helen StevensWhere stories live. Discover now