Chapter 14

198 9 0
                                    

***"Murderer," malamig na tugon ni Jackson sa kaklase niyang babae

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***
"Murderer," malamig na tugon ni Jackson sa kaklase niyang babae.

Nakahawak pa rin sa pisnge ang babae at malapit ng maiyak, hindi makapaniwala ang babae nang sinampal siya ni Jackson na walang pagdadalawang isip. Gayon na rin ang mga kasama ng babae.

"J-jackson, It wasn't me--"

"I told you didn't I? If you touch her again you'll answer to me." Napakalamig na tugon ni Jackson.

Biglang binuhusan ng malamig na tubig ni Zaffina sa ulo ang tatlong babaeng nakatayo ngayon sa harapan nila. "I'll chase you down to hell, kapag hindi mo pa rin sinasabi sa amin kung nasaan Ivana." Pagbabanta ni Zaffina sa tatlong babae.

Nalaman ng The Alphas na nawawala si Ivana nang halos mag iisang oras na. Narinig nilang nagbubulungan ang tatlong babaeng 'to at nagsisitawanan dahil sa ginawa nila kay Ivana.

Umiiyak na ang tatlong babae, hindi pa nalalaman ng adviser nila na humiwalay ang mga ito sa klase upang hanapin si Ivana.

"I did that because she's pissing us too much!"

Agad na sinampal ni Zaffina ang nagsalitang babae, lalo itong naiyak. "How dare you to do that to my best friend? Alam mo ba ang ginawa mo sa kaniya? Kapag may nangyaring masama sa kaniya, I'll kill you." Nilalamon ng galit si Zaffina at halos mag dugo na ang kaniyang kamao sa pagkakakuyom.

"If you still don't answer this question. I'll call my uncle to sue all of you." Malamig na tugon ni Finn sa mga babae. Bantog ang angkan ng mga Van Doren, lalo na ang kaniyang ama at tito. Isang artista at isang successful na lawyer.

"Where is Ivana?"

Hindi na makapagsalita ang babaeng sinampal ni Jackson, hindi na siya makapag dahilan dahil nahuli na sila. Kapag nangyari ang sinabi ni Finn sa kanila, malaking kahihiyan iyon sa angkan nila.

Agad namang itinuro ng babae kung nasaan si Ivana.

"Kuya Zayne! Tawagan mo si Roy at sabihin mo kung nasaan ngayon si Ivana!" Pag-uutos ni Zaffina sa kapatid, agad namang tumango si Zayne at tinawagan si Roy. Nang malaman ni Roy na nawawala si Ivana agad itong tumakbo para hanapin siya, siya ang unang nakaalam na nawawala si Ivana kahit hindi pa nagsisitawanan ang mga babaeng gumawa 'non kay Ivana.

Sumunod si Damien kay Roy dahil sa pag-aalala niya sa pinsan niya. Nang matagpuan niya si Roy, ngayon palang niya nakita ang pinsan niya na nangangamba. Ang isang Roy Cohen Rameses ay nangangamba dahil nawawala ang kaibigan niya. Kahit kailan hindi nagpakita si Roy ng kahinaan sa kung sino mang tao, kahit sa pamilya niya. Kaya nagulat siya nang makita niya si Roy na parang natataranta at nangangamba.

Pero hindi niya muna inisip 'yon at tinulungan na lang niyang hanapin si Ivana, dahil pati rin siya ay natatakot baka may masamang nangyari sa kaniyang kaibigan.

Nang tumatakbo sila agad na napayuko si Roy at para bang may kumuha sa pansin niya. May biglang kinuha si Roy sa sahig, isa itong bonet na pusa at madumi na. Parang inapak apakan ng kung sino. Nanlaki ang mga mata ni Damien, alam na niya agad kung kanino ang bonet na 'to.

Between the Parallel Worlds [COMPLETE] (Alter Reality Series #1)Where stories live. Discover now