" Ahm, hindi namin alam pero matalino at magaling si Diamond, Kaya nga siya ang pinahawak ni General eh! " Ani ni kuya Timothy. " So love, bakit kailangan nyo pang sumunod duon? Kung madali lang pala kay Diamond ang lahat? " Inis na ani ni ate Micah.

" Hey, Micah hindi ka ba nakikinig sa sinabi ko. Kailangan namin sumunod duon dahil kailangan ng maraming sundalo, eh kung hindi naman kailangan ng maraming sundalo bakit pa kami ipapasunod! " Sabat naman ni kuya Leviticus.

" Atsaka, puwede ba Timothy patigilin mo yang girlfriend mo dahil hindi ko naguhustuhan ang mga salitang lumalabas sa bibig nyan, parang wala kasing pinag-aralan o meron naman pero hindi ginagamit. Sige na babe aalis na kami sumunod ka sakin Timothy pagka-tapos mong pagsabihan yang girlfriend mong dirty mouth. " Aniya sa walang emosyong muka at boses, atsaka lumabas ng cafeteria.

Kaagad namang sinabihan ni kuya Timothy si ate Micah. At nanghingi namang ito ng sorry at kaagad namang pinatawad ni kuya Timothy atsaka nagpaalam na rin umalis.

Tahimik kaming kumain sa lamesa namin ng may tumawag sa akin.

" Doctor Buenaventura, pinapatawag po kayo ni Director Marquand. " Sabi ng nurse na babae.

Nagtiginan kaming walo, at nagtatakang tumingin sila sa nurse na kausap namin.

Nagtatakang tumingin ako sa kanya. " Bakit kamo ako pinapatawag? " Puno ng pagtataka sa kanyang mga mata.

" Ahh, hindi ko po alam eh. Basta po inutusan lang akong ipatawag kayo. " Ngiting sabi nya.

Kaya ngumiti rin ako sa kanya. " Oh, sige sabihin mo kay Director Marquand susunod na kamo ako sa office nya. " Sabi ko at tumango naman ito at nagpaalam ng umalis.

Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko para makapunta na ako sa office ni Director Marquand, dahil ayaw na ayaw non ang malate.

" Uyy, Leon satingin mo bakit ka kaya pinapatawag? " Tanong sa akin ni ate Red na binasag ang katahimikan na, nabuo kanina.

" Hindi ko alam. " Maikling aniya.

" Ako satingin ko dahil late kang pumunta kanina. " Sabat ni Pslam.

Tinignan ko naman sya ng masama. " Puwede ba may dahilan naman ako kung bakit ako late atsaka puwede mamaya na lang tayo magusap kasi tapos na akong kumain at pupunta na ako sa office ni Director Marquand. " Inis na aniya at umalis na.

Psh.... Bakit ba sila ganon ang galing mangasar pero pagsila ang inasar magagalit agad sila, tss nakakainis.

Tok Tok.

" Come in. " Sabi ng lalaking na sa loob.

Kaya binuksan ni Kelleon ang pintuan at pumasok.

" Director Marquand, good morning po, ano po ang maipalilingkod ko sa inyo? " He asked.

" Hmm, Mr. Buenaventura may ipapagawa kasi ako sa inyong na medical mission, kailangan nyo kasing pumunta sa Blue Ocean Twodot, Dahil kailangan duon ng mga doctors na maggagamot sa kanila. You don't have to worry may mga soldiers naman duon kaya hindi kayo mapapahamak na pumunta duon. "

Ohh, god mukang magkikita kami nila Dia hah! This is a complicated.

" Ahh, Director Marquand bakit po kami ang napili nyo, eh marami naman pong ibang mas magagaling na doctors saamin? " He asked. Ngumiti ito sa akin. " Because I trust your team atsaka kayo ang isa sa mga pinaka-magagaling na doctor dito sa hospital nato, Atsaka request kasi ito sa akin ng government dahil tayo ang merong magagaling na doctors and nurses. That's why kayo ang napili ko, kaya please Mr. Buenaventura pumayag ka na. " Ani nito na nakikiusap sa akin.

THE HANDSOME DOCTOR IS IN LOVE WITH A COLDLY SOLDIER.Where stories live. Discover now