Chapter 61

101 4 2
                                    


" So tara na sa loob?" Aya ni kuya Timo sakin, " hmm sa rooftop na lang muna ako, magpapahangin lang ako duon." Sabi ko at tumango sila.

Halos sabay ulit kaming tatlo pumasok sa loob ng hospital, pero lumiko ako para makasakay ako ng elevator at ng maapasok na ako duon. Tumango ako sa kanila bilang papaalam sa kanila, atsaka ko sila nakitang naglakad na papuntang locker room ng HMT.

Bigla akong napangiti sa naalala ko na dati wala akong inaalalang pumunta duon, pero ngayon.... meron na dahil baka pag nakita nya ako baka ... baka makita ko ulit yung mga matang 'yun na dapat hindi para sakin.

Sabay ng pag-alala ni Diamond ng mga masamang tingin sa kanya n Kelleon, ang pagkawala ng mga ngiti niya.

Nang makarating siya sa rooftop, biglang sumagi sa isipan niya ang nga salitang binitawan ni Kelleon sa kanya. Mga masasakit na salita na mas kinadurog ng puso niya.

• Flashback. •

" Ang lakas naman ng loob mo at pumunta ka pa dito? Satingin mo ba hindi sasama lalo ang loob ko sa inyong mga sundalo hah!!, ng dahil lang naman sayo namatay si Zoey! Hindi deserve ni Zoey mamatay pero bakit mo sya pinatay hah!!!" Sabi ni Kelleon kay Diamond pero ramdam na ramdam mo yung galit niya sa dalaga.

Hindi umiimik si Diamond, mas pinili niyang tumahimik kaisa sa magsalita.

" Oh, bakit dika makapagsalita? Nawalan ka na ba ng boses? Nakokonsensya ka na ba dahil pinatay mo ang girlfriend ko!!!"

Nagpintig ang tenga ni Diamond sa narinig niya, mula sa kasintahan nya kaya di na niya napigilan pa at nagsalita na sya.

" Hindi mo siya girlfriend Mr. Buenaventura, kapatid mo siya sa ina kaya paano mo magiging girlfriend ang isang criminal???" Walang emosyonal na ani Diamond.

Biglang napahinto si Kelleon, kaya nagsalita ulit si Diamond.

" You know what, una sa lahat hindi mo ito hospital hindi din ako nakaband dito dahil sa pumatay ako ng criminal. Pangalawa wala kang pakealam kung pupunta man ako dito o hindi, pangatlo hindi naman mamatay ang sinasabi mong 'GIRLFRIEND' eh, mas pinili niya lang mamatay kaisa sa makulong ng panghabang buhay."

Biglang namula sa galit si Kelleon at dinuduro si Diamond, tsaka sya nagsalita ulit laban sa dalaga.

" Yan! Isa pa yan sa dahilan kung bakit ayoko sa inyopumapatay kayo ng criminal na wala namang ginagawang kasalanan. Kaya nga dapat talaga si Zoey na lang ang totoo kong girlfriend at hindi ikaw! Pinagsisisihan kong naging girlfriend kita mamatay tao!" Sigaw nito sa kaharap nagulat ang nga nanduon, na nakikinig pero si Diamond nanlumo siya sa narinig niya mula sa boyfriend niya,

Pero agad din niyang sinaway ang sarili na huwag iiyak sa harap ng maraming tao lalo na sa kaharap niya.

Lumalim ang tingin ni Diamond sa binatang kaharap nya tsaka nagsalita ulit, " Ventura isa akong sundalo kung kinakailangan namin pumatay or mamatay para mapigilan ang isang criminal, gagawin namin mailigtas lang ang nakakarami 'Yun ang tungkulin namin bilang isang sundalo. Hindi kami susuko hangga't hindi namin napipigilan ang kalaban o kumakalaban sa government, kaya kung ayaw mo samin okay lang dyan ka masaya at yung sinasabi mong dapat si Zoey na lang naging girlfriend mo? Well kahit saang sulok ng mundo, magiba man ang hugis ng earth baliktarin mo man ito. Magkapatid pa din kayo sa ina mo,

Kahit itanong mo pa sa magulang mo hindi sila papayag duon... tsaka nga pala kung pinagsisisihan mong naging ..... girlfriend mo ako, puwedeng pag nakaalala ka na tsaka mo na ako kausapin about sa break up. Para tatanongin ulit kita kung nagsisisi ka ba na nakilala mo ako, Okay?! Sige alis na ako." Sabi ni Diamond at walang ingay na umalis sa hallway ng hospital, tsaka naglakad ito papuntang front door.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE HANDSOME DOCTOR IS IN LOVE WITH A COLDLY SOLDIER.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon