MCNG-04

1.9K 60 0
                                    

ARNOLD's POV~

Nandito ako ngayon sa canteen dahil bigla akong nagutom.

umupo ako sa sulok dahil ayokong pagkumpulan ulit dito. I wanted to be alone.

Habang kumakain ako, Di sinasadyang marinig ko yung usapan ng dalawang babae.

"Grabe girl no, Ang lakas talaga ng kamandag nung nerd na yun. imagine napapalibutan ng mga gwapo." Girl 1

"Oo nga e, Ang gwapo talaga ng kasama nya kanina." Girl 2.

"Pero girl, Ang sweet nila tignan no? Hindi ko pa kaya nakikita ng ganon si nerd at si arnold kahit minsan." Girl 1.

So Confirmed!

Pinaguusapan nila si Rona.

"Oo nga e, Kaya minsan nagdadoubt ako e, Parang di sila magjowa mas mapagkakamalan ko pang magboyfriend yung dalawa kanina." Sabi nung isa pang babae.

Ewan pero bigla akong nainis sa sinabi nung babae.

Tumayo ako at pabagsak na binaba yung kutsara na kinalingon ng dalawa.

Nagulat sila.

"A-Arnold.." Sabay na sabi nila.

"Wala na ba talaga kayong magawa sa buhay nyo kaya pati buhay ng ibang tao pinapakialaman nyo? Ano bang Course nyo? Journalism?!" Sabi ko saka umalis sa lugar na yon.

What the heck!
Bat ba ko nagkakaganito? Tss.

Sa inis ko pumunta ako sa Gym at naglaro ng basketball.

"Whoah! What brought you here? Nandito ka ba para bisitahin ako?" Si neil yun.

"In your dreams." Sabi ko saka nagpatuloy sa paglalaro.

Maya maya biglang binabantayan na ko nito.

"One on one?" tanong nya.

"Okay." Sabi ko saka nagpatuloy sa paglalaro.

Aaminin ko na magaling talaga si Neil sa basketball.. pero dahil wala ako sa mood, Hindi ako magpapatalo.

Sinugod ko sya, wala akong pakialam kung matumba sya basta sumugod ako at pinilit mashoot yung bola and boom! Nashoot nga.

"Hey! Foul yun." angal nito.

Tinignan ko lang sya saka naglakad na palabas ng gym.

Pumunta ako sa Field para magpahangin.

"Malalim ata iniisip ng bestfriend ko aa problema mo?" Sabi ni Abby.

"Pano mo nalaman na nandito ako?" walang lingon na tanong ko.

"nakita kitang papunta dito." Sabi nito.

My Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now