MCNG-12

1.7K 46 0
                                    

Oopps! Ang daldal ko ba? Nadulas e, 

"Anong deal?" Si aloy. 

"oo deal pero natalo ako." sabi ko. 

"Bakit? Paano?" Tanong ni benjamin.

"Ususero din kayong dalawa e no?!" Sabi ko.

"Dali na! Sabihin mo na! Naopen mo na din e." sabi ni aloy. 

At dahil wala na akong choice kinwento ko na sa kanila yung buong nangyari. And I expect them to laugh pero to my surprise they become serious.

"And do you what us to believe na kaya nagkakaganyan ka ay dahil mawawala sayo yung laptop mo?" sabi ni benj.

"Because thats the truth! Importante sakin yun noh!" sabi ko.

"Sira ulo! Dont try to convince yourself with that nonsense reason. 3 months din kayo ni rona, may pinagsamahan din kayo hindi malabong mahulog ka sa kanya." sabi ni benj.

"Ano yun? Bangin lang ang peg at my hulog factor? Haha! Pero dude base on ur action? i think your fallen for her." si aloy.

"Bobo nito! parehas lang yon e, pinaarte mo lang." sabi ni benj kay aloy. 

"TUMIGIL NGA KAYONG DALAWA! DI AKO INLOVE OKAY?!" Sigaw ko sa kanila. 

Nagkatinginan yung dalawa. 

"DENIAL PRINCE!"

sabay na sabi nila saka tumawa ng malakas. 

"ISA!"  

Tawa lang sila ng tawa. Mga abnormal talaga tong mga to, Hindi nga ako inlove, kaya ganito ako dahil sa laptop ko yun lang! 

Yumuko nlng ako sa table ko. Bigla namang tumunog phone ko. May nagtx. Inopen ko saka tumayo. 

"San ka pupunta? Sino yun? Chix ba?" tanong ni benj.

"Oo, gusto nyong makilala? Edi samahan nyo ko." Sabi ko ska naglakad na palabas. 

Sumunod naman yung dalawa, mga babaero talaga.. 

Pumunta kami sa parking lot kung saan ako hinihintay ng ngtx sakin. Nung makita ko yung kotse nya agad kong nilapitan at kinatok yung bintana. Binuksan na nito yung pinto at lumabas.

"Hayst! Sabi kong wag mong kakatukin ng malakas yung bintana ng kotse ko e." agad na sabi nito paglabas. 

"Nakita mo na kasi ako di kapa lumabas.." sabi ko.

"ATE ROSE?!" 

sabay na sabi nung dalawa. Napalingon naman si Ate. 

"OMO! Benjamin! Aloysius! Ghad!!!! Mga binata na kayo!" sabi ni ate ska niyakap yung dalawa. 

"When did you arrive?" excited na tanong ni Aloy. 

"Nung sunday lang.." sagot nito.

"looking at you ate, para akong nakatingin sa isang diyosa!" si benj. 

"Ay naku maliit na bagay! HAHAHA!" sabi ni ate.

"Nasan na ba yung pinapadala ko sayo? Akin na nga tas umalis kana, inuuto ka lang netohg dalawa e." Sabi ko. 

"Eto naman, napakasungit. Oh eto na." sabi nito sabay abot sakin ng laptop ko.

"Sa susunod siguraduhin mong wala kang naiwan bago ka pumasok." sabi nito. Inabot ko na iyon. 

"Thanks! Uwi ka na! Bye." sabi ko saka naglakad na. 

"Kahit kailan talaga ang sungit mo BANOD." sabi ni ate.

"YAH! DONT CALL ME BANOD NAKAKAHIYA." Sabi ko. 

Bigla naman itong tumawa saka nagwave. Nagpaalam na din ito sa dalawa. 

"Grabe! Bakit ba ang ganda ng ate mo?" tanong ni benj

"Malamang nasa lahi namin." sagot ko.

"Dude, tara iwan na natin yan, malala na to e," sabi ni aloy kay benj saka iniwan ako. 

Mga sira ulo talaga. 

Tinignan ko yung hawak kong laptop. 

"Dahil ba talaga sayo kaya ako nagkakaganito?" kausap ko dito. 

HAYST! BALIW NA TALAGA AKO! PATI LAPTOP KINAKAUSAP KO.

My Childish GirlfriendOù les histoires vivent. Découvrez maintenant