"Parang mga tanga, ah. Aba'y magsalita naman kayong dalawa. Magkatabi na nga kayo, wala pa rin? Kahit mahinang usapan? 'Wag niyong hayaan na maging mas matimbang ang kalungkutan. Ano ba ang dahilan niyo kung bakit kayo ganiyan? Kasi uuwi na si Railey sa Pampanga? Gising! Hindi 'to ang end of the world, magkikita-kita pa naman tayo pagkatapos nito, 'di ba?" Napaawang ang mga labi ko habang marahang iniintindi ang bawat salitang sinabi ni Jiovanni.

"Kung hindi lang sana masama ang lagay ni Jullian, baka humahalakhak pa ako ngayon, ano?" Biglang nagsalita si Railey at ngumuso.

Napangiti na lang ako nang magsalita siya. Masyado kong pinalulungkot ang sarili ko, siguro nga'y dahil na rin sa dami ng iniisip ko.

***

"MASARAP pala, 'no? Dapat nag-order din ako," nanghihinayang na sabi ni Railey habang inaagaw ang shawarma rice ni Jiovanni. Magtatalo na naman ang dalawang ito, panigurado.

"Mang-aagaw," bumulong si Jiovanni at padabog na kinuha ang burger sa lamesa.

Umirap naman si Railey at tila handa nang manakit ng katabi. "Iyo na, titikim lang naman ako, eh," tugon niya nang iabot kay Jiovanni ang lalagyan ng shawarma rice.

Habang nag-aasaran silang dalawa, binilisan ko naman ang pagkain ko dahil narinig ko ulit ang boses na madalas bumubulong sa akin. Nang maubos ko ang aking pagkain, agad akong pumunta sa banyo. Mabuti na lang at walang ibang tao nang makapasok ako sa loob. Tumayo lang ako sa harap ng salamin at hinintay na muling bumulong ang boses na narinig ko, pero wala, hindi ko na ulit narinig. Hanggang sa ipikit ko ang aking mga mata.

Pagkapikit na pagkapikit ko, bigla na lang may yumakap sa akin nang mahigpit. Alam kong nasa likuran ko siya dahil ramdam ko ang nakabalot niyang mga braso sa katawan ko. Hindi ko alam kung matatakot ako o matutuwa dahil nang hagkan niya ako may bumulong muli sa 'kin.

"Magkikita rin tayo. Huwag kang susuko. Nandito lang ako palagi, nakaabang sa pagdating mo."

Tumaas ang mga balahibo ko sa katawan nang marinig ko ang mga salitang iyon. Para bang nasa tabi ko lang siya dahil ramdam ko maging ang tibok ng puso niya. Napangiti na lang ako at huminga nang malalim bago ko muling iminulat ang aking mga mata. Alam ko na wala akong makikitang ibang tao sa likuran ko. Siguro'y nakakatakot ito para sa iba, pero para sa akin ay hindi.

After that, I opened my eyes, and as I expected, I saw nothing but myself, all alone. Nagulat na lang ako nang makitang mayroong tumutulong luha sa aking mukha. Did I just cry? No, I didn't. No f-ing way.

Lumapit ako sa lababo at naghugas ng kamay saka ako naghilamos upang mahimasmasan dahil mukha akong balisa. Namumutla ako, lalo na ang mga labi ko na kala mo'y nababad sa suka. Bahagya na lang akong natawa sa sarili kong hitsura. Maging ang buhok ko'y gulo-gulo na para bang sinabunutan ng kung sino.

"Saan ka nanggaling?" Tumingin sa 'kin sa Railey na patapos pa lang sa pagkain. Si Jiovanni naman ay natanaw kong naglalakad na pabalik sa sasakyan, malamang ay magpapalamig sa loob.

"Sa banyo, bakit?"

Tumayo na siya nang iligpit ang mga pinagkainan namin. Disposable naman lahat ng ginamit namin kaya itatapon lang niya sa basurahan. "Mauna ka na, mag-CR din ako. Saglit lang naman ako," paalam niya nang maglakad na papunta sa banyo. Ako naman, naglakad na rin pabalik sa sasakyan.

"Sa'n si Railey?" agad na tanong ni Jiovanni nang pumasok ako sa kotse. Hindi niya ako nilingon dahil naglalaro siya ng ML. Adik na adik din ang mga kaklase ko sa mobile game na 'yan. Ang ingay-ingay pa nila tuwing recess at lunch break. Sabog na ang eardrums ko dahil sa mga boses nila, dagdag pa ang madalas na pangungulit ni Railey sa akin.

The Night We Met in IntramurosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon