1. Jokes

5 0 0
                                    

1.  Jokes

F L A S H B A C K

Nagising ako ng tagaktak ang pawis at mabigat ang paghinga. Ang sama ng panaginip ko.

Agad kong dinial ang number niya at mabuti na lang ay sinagot niya agad.

[Babes! Bakit?] Masiglang bungad nito na ikinahinga ko ng malalim, a sign of relief.

[Oh? Any problem?] Bumakas ang pag-aalala sa boses niya.

"Wala." Naisagot ko.

[You open the door, wala ka pa lang kasama.] Nanlaki ang mga mata ko.

"You're here?!" Naibulalas ko.

[Yep. And I bought you breakfast dahil alam kong makakalimutan mo na namang kumain. So now, open the door.] Bumaba ako at binuksan ang pinto, walang pakialam kung kagigising ko lang. Sanay naman na siya sa'kin, sanay na sanay na.

"Late ka na naman nagising. Katangha-tanghali at ganiyan ang ayos mo." Napapailing na sabi nito dahil nakapajama pa ako at magulo ang buhok.

"Wala namang pasok, lulubusin ko na." Kibit-balikat ko.

"Dapat lang! You need a rest!" Umiling na lang ako at dumiretso na sa CR para maligo.

"Your breakfast is ready, babes!!" Rinig kong sigaw nito.

Babes ang tawag niya sa'kin at ayon na rin ang nakasanayan kong tawag niya. That's an endearment for our friendship.

"Gala tayo." Biglang yaya niya pagkalabas ko pa lang sa CR at nagpapatuyo lang ng buhok.

"Saan naman? May gagawin pa ako, diba? Hindi mo naalala?" Masungit na sagot ko.

"Ay, oo nga pala!" Napailing ako at tumawa siya.

"Oo, kaya dito na lang tayo." Napairap ako ng ngumuso siya.

"Boring kaya dito, tayo lang dalawa. Sa park ka na lang gumawa ng mga gagawin mo." Ngumisi ako.

"May gagawin ka rin, nakalimutan mo na naman." Napahampas ito sa noo.

"Buti pinaalala mo!" Ngumisi lang ako sakaniya at kumain na habang buka nang buka ang bibig niya, ang daldal talaga niyan.

Pagkatapos kong ayusin ang pinagkainan namin, nag-ayos na rin ako ng bahay bago ito iwanan. Walang tao hanggang mamayang gabi at hindi rin ako uuwi dahil paniguradong yayayain ako ng kasama ko sa bahay nila pagkatapos namin sa park.

Nilock ko ang gate namin at sumakay na sa binuksan niyang pinto ng passenger's seat.

"Dala mo ba yung mga gagawin mo?" Nagkibit-balikat siya.

"Lagi namang nakatambak ang mga gamit ko diyan." Napailing ako at lumingon sa backseat saka tumango, nandoon nga.

"3rd semester na the day after tomorrow, maghabol ka na kaya." Nginisian niya ako.

"Ayaw ko nga." Tinaliman ko siya ng tingin na ikinatawa niya.

"Fine, fine. Kaya nga tayo pupunta sa park, diba?" Mataray ko siyang inirapan.

Maya-maya rin ay nakarating kami sa tree park kung tawagin. Nakakatawa lang na may bayad ang entrance doon. Pero mura ito, 20 pesos lang dahil sikat naman at maraming tao.

Pagkapasok, bumungad sa akin ang makalaglag panga na park. Maraming mga bench na may umbrella para ngayong matirik ang araw at wala para sa sunset, may iba't ibang klase ng puno at bulaklak, may mga poste para sa ilaw kapag gabi at may playground na may naglalarong mga cute na bata kasama ang guardians nila.

My Hiraeth EpiphanyWhere stories live. Discover now