Kabanata 18

1.4K 25 0
                                    

TIED


CLARAS'S POV

It's already 9 pm at hindi ako makatulog. Sobrang boring pa dahil wala akong magawa, walang cellphone o ano pa man.

Habang si Sir ayon at nando'n sa pwesto niya at naka-cellphone. Ayos rin. Samantalang ako? Nganga.

"Sir?" tawag ko.

Tumigil naman siya sa pagc-cellphone at tumingin sa 'kin. Abay, hindi pwede nage-enjoy siya kaka-cellphone.

"What?" paasik na aniya.

"Galit ka po?" Ngiwi ko.

Itong taong 'to, mas tuyuin pa sa totoong babae. Oo. Moody at bipolar rin siya.

"No, I'm not. What do you need?"

"Ah sasabihin ko lang po sana na malaki naman ang space naman ng kama ko kaya pwede ka pong dito matulog."

"What?" Nanlalaki ang matang tanong niya.

"May masama po ba sa sinabi ko?" Nakapuot na tanong ko.

"You're inviting me to sleep beside you?" hindi makapaniwalang tanong niya sa 'kin.

"Siguro?"

Hindi ko rin sigurado e basta na lang 'yon pumasok sa isip ko kanina. Naaawa na rin kasi ako sa kaniya kasi ro'n siya sa couch natutulog.

E, may-ari 'yan ng school kaya paniguradong hindi 'yan sanay na matulog sa couch.

"You are answering me a maybe, Shaira? Don't you know the difference between a man and a woman?" asik niya.

"Alam ko po pero ikaw lang naman po inaalala ko, e," giit ko.

"And thank you for that but I just want to remind you that a man and a woman are not allowed to sleep together without permission from their parents and God."

"I second motion."

" Hey! Don't play with me!" ubos pasensiyang sigaw niya.

E, paano ko ba naman siya hindi aasarin e kung saan-saan na napunta ang sinasabi niya e siya lang naman ang iniisip ko.

"Sir naman kasi, hindi naman tayo gagawa ng bata. Magtatabi lang tayo matulog."

Tiningnan ako ni Sir ng nakatanga. Para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Well unless kung may masama kang balak sa 'kin." Tawa ko.

"I can't believe you!"

"Sir, ano ba? Magtatalo talaga tayo dahil lang diyan?"

"Dahil lang diyan? It's not lang,.Shaira. It's a serious matter yet you're just playing!"

Feeling ko lalabas na ang ugat ni Sir sa leeg dahil sa pagpipigil na 'wag lakasan ang boses niya.

"Sir, it's not serious. You are just making it complicated. Hindi ba pwedeng pumayag ka na lang tapos magkatabi tayo matutulog tapos pagkagising natin parang wala lang nangyari? Ang malisyoso mo kasi. Lahat ng bagay binibigyan ng malisya. Isipin mo na lang na I'm just your little sister," mahabang litanya ko.

Mura lang ang isinagot niya. Lagi kong napapansin na lagi siyang ganiyan.

"Sir, teacher ka pa naman iwasan mo ang pagmumura," sita ko.

"You are not Mom to dictate me."

"E, hindi ka rin naman si Daddypara diktahan ako sa susuotin ko pero sumunod pa rin ako," matapang na sagot ko.

"It's for your own good."

"And what I am telling you is for your own good, too." Kindat ko at umusog para magka-space ng malaki sa tabi ko.

Wedded To A StrangerWhere stories live. Discover now